MY ONLY PROBINSYANA_8

1564 Words
“ Oh Ate, Kuya Oppa! Ano pong nangyari?” Inosenteng tanong ni Tibo habang palipat-lipat ang tingin sa amin ni Logan. Hindi kaagad ako nakasagot dahil iba ‘yung feeling ko ng magdikit ang labi ko sa labi n’ya, para bang dinala ako sa ibang dimensyon. Ang gaan ng pakiramdam parang umaangat ako sa alapaap. Aamin ko matagal ako bago naka-recover at ng makabawi tinulak ko s’ya at syempre bilang defense mechanism ko binulyawan ko s’ya at sinabihan na prepared ako na gwapo ang first kiss ko. Alam ko naman na parang napipikon na rin ito sa akinm But honestly hindi ko naman intended to insult him e, ‘yun ang lumalabas sa pasmado kong bibig. So sorry na lang s’ya. Ganun na talaga ako since pumapasok ako sa lugar na ‘yon. Binalingan ko si Tibo sabay sabi na may nakita akong tipaklong kaya ako nag-tititili habang sinasabi ko ‘yon sa bata kay Logan ako nakatingin. And yes Logan ang tawag ko sa kanya na isip ko lang kasi ang dyahe naman ng Golan tunog pang aso at kalabaw. “ Hala! Ate nasaan na ang tipaklong?takot po kayo doon? pero kay Tay Raulo hindi kayo takot nilabanan n’yo nga po. ” Takang tanong ng bata sa akin habang parang hindi kumbensido na tumitingin kay Logan. This kid is indeed really smart, kuha lahat sa lahi ng ama. At totoo nga naman hindi ako takot sa kahit anong insekto isa lang ang kinatatakutan ko sa ngayon at nilalabanan ko. Tinignan ko si Logan para segundahan ang mga sinabi ko nakuha naman ng lalaki malamang kapag ‘di n’ya nakuha ang purol naman n’ya. “Oo Boss, totoo ang sinasabi ng Ate mo, ang laki ng tipaklong sobra kaya na takot ang Ate mo at napayakap pa nga sa akin. ‘Diba sabi ko nga bilang gentleman dapat pinagbigyan ang babae kaya hinayaan ko na lang s’ya, kita mo ok agad Ate mo. ”Paliwanag ng lalaki a bata na akala mo naman ay ‘yun nga ang nangyari ang nakakainis pa ay parang doon pa naniwala si Tibo sa sinabi ng lalaking ito. Hinintay ko na tumingin sa akin ang lalaki pero hindi na ito tumingin pa. Umiiwas paano ay sinungaling ng bongga ang loko. Kayamot naisahan ako ng loko. At dahil mukhang wala ng plano magsalita ako na ang nagsalita. “ Tibo, isama mo ‘yan sa labas, at doon niyo antayin ako. Mag aayos lang ako saka ko kakausapin ang GENTLE DOG na ‘yan! ”Sabi ko sa bata na pinagdiinan ko pa ang gentle dog. Hindi naman na siguro papansinin ng bata ‘yun pero si Logan ang bilis lumingon habang busangot ang mukha. But to surprise ay sumagot pa ng iba si Tibo. “ Hala s’ya, Ate idol kita pero mali ‘yung gentle dog mo, gentleman po. Idol ko na rin itong si kuya Oppa sobrang gwapo na maginoo pa. Kuya O how to be you po?”Pagtatama pa nito sa akin... ay d’yos ko idol n’ya daw si Logan. Utang na loob may pa how to be you po pa. Ang nakakainis pa nginisihan ako ni Logan at habang palabas na sila ay humahagalpak pa ng tawa ang loko. Mga bastos hindi ako hinyaang makasagot pa nakakainis manlulugon ata ang bulbol ko sa mga lalaking ito. Mauunahan pa atang makalbo kaysa kay Mommy Em. Padabog akong bumaling papunta sa sala ng bahay nag-isip ako paano makaka-ganti kay Logan. Walang pumasok sa isip ko. Matagal ako sa ganong pwesto ng pumasok si Tibo. “Ay Ate ganern ka pa rin, wala ka pang ganap?” Sabi ng bata, napamaang ako hindi naman ito gano’n mag salita ay alam ko ata ang lintik na itlog na ‘yun sari-sari ang turo sa bata. “Oh e, Ano ngayon kung wala pa akong ganap?Hayaan mong mag hintay ang buraot na ‘yun! ”Taas kilay ko pang sabi sa bata ang bata naman ay umiling-iling. “Ate masama ‘yung ganyan, nagiging unprofessional ka po, naghihintay ‘yung tao ng matagal. Hindi po purkit s’ya ang may kailangan ay pag hihintayin mo na. Maling mali po ‘yun Ate! ”Parang matanda na pangaral nito sa akin at tinamaan ako sa sinasabi nito. “ Ibalik kaya kita sa Tatay at kuya mong mga timang. ” Bulong ko sobra naman kasing lawak na agad nang range ng utak nito. Kung sa bagay mga halimaw at kapatid nito sa husay sa negosyo mukhang may papalit na sa kanila. “ Oo na po Tay Tibs, puntahan mo ‘yung lalaki doon at mag mamadali na akong mag ayos. Heto na nga nanginginig pa! ”Sabi ko sa bata para tantanan na ako maryosep na bata ‘yun parang tatay mag sermon. Hindi ko na hinintay pa na sumagot ang bata. Mabilis akong pumasok sa kwarto at narinig ko pa ang malakas na tawanan ng dalawa, nakakaurat talaga sila. Namili ako ng cotton pants at semi-fitted na damit matapos ay naglagay ako ng pulbos at liptint na galing kay Sharina. Naisipang ko din na i-ponytail ang aking mahaba at itim na itim na buhok ng sa gayon ay presko ang pakiramdam pero double purpose ‘yarn para ma expose ang sexy neck ko maakit man lang si aso. Lihim akong napapatawa kapag tinatawag ko s’yang aso. Nag-collogne lang ako Lewis and pearl ‘din, nahawa na ko kay Shanang pero lakas maka dalaga at virgin ang amoy nito. Kinuha ko din mula sa aking bag ang isang itim na gura, para proteksyon sa sikat ng araw. Nang maalala ko na tatlo ito kinuha ko ‘din ang kulay abo at ibibigay ko kay Tibo, isasama ko s’ya sa lakad namin ni Logan. Nang lumabas ako sa aming bakuran kita ko ang dalawa na masayang nagkukulitan nakatalikod sila. Nakakatuwang masdan ang dalawa para bang matagal na silang magkakilala. Maaaring same kami ng nararamdaman ni Logan sa bata, lalo pa’t nakasama ko na rin ang Allejo brother tapos ang lalaki naman ay kaibigan ito. Napakalaki ng mundo para hindi makadaupang palad ang mga ito pero heto dinala na sa amin ang bata. Sa lawak ng koneksyon ng mga Allejo bakit hindi ito nahanap? Napaiktad ako ng biglang may bumulong sa akin at mukhang sobrang okupado ako ‘di ko namalayan na nakalapit sa akin ang lalaki. “ Look so gorgeous babe, ang bango mo! ” Sabi ng lalaki at mali ang nagawa kong desisyon na i-expose ang aking leeg grabe ang kilabot ko ng tumama ang hininga n’ya sa aking tainga at leeg. Pero mas katangahan ang ginawa ko ng lumingon ako ng mabilis at ganon na lang muli naglapat ang aming labi. Parang mas matagal pa ito kesa kanina hindi rin kumilos ang lalaki, nababanaag sa mata nito ang kislap, pagka-aliw at kapilyuhan. Gusto kong lumayo pero parang pati paa ko ay ninatraydor ako ‘di ko magawang ihakbang. Ang mga kamay ko naman ay parang nakagapos na kahit ‘di naman. “ Oh God bakit po ganito?” Piping bulong ko sa aking isip napaghiwalay lang kami ng si Tibo ang magsalita. “ Ate, Kuya nasaan po ngayon ang tipaklong?” Tanong nito na hindi biro dahil kita ang ibang awra sa mukha nito, habang kay Logan nakatingin. Allejo will always be Allejo talaga. Akala ko ay ‘yun na pero nagsalita pa. “ Ano walang sasagot sa t’wing mag kiss ba kayo ay mga tahimik na lilalang o insekto n’yo isisisi? Hayst mag ligawan muna kayo bago mag-tukaan. Tatanda ako ng maaga sa’inyo! ”Kunsumidong sabi ng bata habang nangangaral, ako ay parang natulos, nakakahiya nga naman na bata pa ang nagpapaalala, pero si aso na Logan humagalpak pa ng tawa. Kaya yun nakatanggap pa ng masamang tingin at banta sa bata. “Kuya O, hindi purkit bet kita sa Ate ko ay ‘di ‘yun lisensya para umabuso ka at maka unli tuka ka. I'm proud that you are real gentleman not dog, Who just fvck other dog’s in any place then after aalis ng parang walang nangyari. Please don’t disappoint me Kuya! I’m counting on you. Don’t do Fvck and Run, that’s a gay thing Kuya.”Mahusay na pagkakasabi nito sa lengwahe na english. Alam ko ay grade 1 lang s’ya pero habang sinasabi n’ya iyon ay ang Don Allejo ang nakikita ko. Mukhang gulat ‘din si Logan at ng makahuma ay lumingon sa akin mukhang kailangan namin talaga mag-usap. Sa mata ng huli ay may kumpirmasyon na rin s’ya— sa alam n’ya. “ Tibo, bata ka pa paano mo alam ‘yan at saka ba’t magaling ka sa english?” Tanong ko sa bata na mahinahon akoz ito naman ay kakamot kamot sa ulo. “Ano po Ate, basta pumasok sa isip ko, saka nagbabasa po ako ng pocket book ni Aling Onyang wala naman kasing ibang libro, kung minsan nga ay pina pabasa sa akin nila at nakikinig lang sila habang binabasa ko. ”Paliwanag nito hinayaan ko na muna ay mamaya ko na kakausapin muli binalingan ko si Logan nawala na ang pilyong awra nito seryoso na mukhang madadali ang byahe ni Tibo pauwi sa teritoryo ng mga Allejo. Pero ipapakiusap ko rin na ‘wag muna. Alam din naman ni Logan na magulo pa gawa ng kuya Juancho nito. Deserve ng isang Timothy Brent ang trono sa kaharian ng mga Allejo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD