Kinaumagahan magaan ang gising ko. Maaga rin dumating si Logan, dilim na dilim pa nun. Sabay-sabay kaming pumunta sa bukid. Alam ko na nagmamasid sa amin si Tibo, pero si Llogan sadyang maharot, akay nito ngayon si Lloydy. Unang araw niya na mag aararo ng linang. Goodluck sa kanya! Hindi naman porket may intindihan na kami ay absuwelto na siya saka siya naman ang may gusto noon. Nadatnan namin sa kubo ang iba pa naming kasama mga nagkakape. May pandesal at mga nilagang saging, pati balinghoy. Binati kami ng mga kasama namin doon at inalok kami na mag almusal din kasabay nila. Tama naman hindi pa kami nag-almusal!, baon nga namin ang pagkain namin. Si Ate Ustang, ay nag-prisinta pa na magtimpla ng kape namin. Asawa ito ni Mang Esmer, ang tanim ng mga ito na ipapasapit ay kamatis. Nagkak

