"Kung ako sa 'yo Bobby, 'yang baklang 'yan ang dapat makatikim ng suntok mo sa panloloko niya sa 'yo!" sulsol niya sa bestfriend ko. Nakatingin pa rin sa 'kin nang seryoso si Bobby at hinablot niya na ang picture kay Neo saka tinitigan 'yon. Nakakuyom nang sobra ang mga kamao niya at tumingin na ulit siya sa 'kin. Nagtatanong ang mga mata niya pero wala akong sinabi na kahit ano para magpaliwanag. Dahil doon, sumeryoso ulit ang mukha niya at naglakad palapit sa 'kin. Hindi naman ako natinag sa kinatatayuan ko. Napansin ko sa gilid ng paningin ko na tuwang-tuwa na si Neo sa nangyayari. Na nasira niya kaming magkaibigan. Inangat ni Bobby ang kamay niyang nakakuyom para suntukin na ako kaya napasinghap na ang mga tao sa paligid... Pero lumihis 'yon at iniakbay niya lang sa 'kin 'yon. "Sab

