Hapon... Naglalakad na ako papasok ng dome at tiningnan ko ang bitbit kong paper bag na may nakaprint na Brew The Coffee Shop. Napangiti ako dahil dinayo ko pa talaga 'to, mabili lang. Malapit na ako sa resthouse nang matanaw ko si Hyacinth na nakaupo at nakasandal sa swing habang nakapikit. Mas lalo akong napangiti at binilisan ko ang lakad ko. Nang makalapit na ako sa kaniya ay nakita kong nakaheadset siya at mukhang natutulog. Nasa harapan niya lang ako at nakatitig sa kaniya. Napakaganda niya talaga. napangiti ako sa sinabi ng isip ko na 'yon. Mapapapatok sana ang ulo niya paharap sa pagtulog kaya idinikit ko ang daliri ko sa noo niya para masuportahan 'yon pero nagmulat siya bigla ng mga mata at tinagpo n'on ang titig ko sa kaniya. Unti-unting nanlaki pareho ang mga mata namin da

