Xyrius' POV "MGA walang silbi!" nanggagalaiting sigaw niya sa mga tauhan na inutusan niyang maghanap kay Jessa. Dalawang araw na pero wala pa ring balita. Nagpadala na siya ng tao sa Ilocos pero ni anino ni Jessa ay hindi nakita roon. Ibinato niya ang babasaging baso sa dalawang tauhan na nakatayo sa harapan niya. Naka-ilag ang mga ito. "Oh my god!" tili ni Emma na kakapasok lang sa pintuan. Sa tabi nito tumama ang baso. "Ganyan ka ba mag-welcome ng mga bisita mo?" galit na anito. Tinignan niya ito ng masama. Wala siya sa mood para makipaglokohan ngayon. Dalawang araw na siyang walang tulog, ni hindi na niya naaalala ang gutom. Hindi rin siya makauwi sa bahay dahil naaalala niya lang si Jessa at mababaliw na siya. Kaya dito siya sa opisina naglalagi. Hindi siya tumitigil kakahanap k

