Jessa's POV NAGISING siyang nakayakap sa kanya si Xyrius. Dinig niya ang mahinang paghilik ng asawa. Mahimbing na itong natutulog habang yakap-yakap siya. Nagsumiksik na lang siya dito at muling natulog. Nang muli siyang magising umaga na. Nagulay pa siya ng mamulatan niya ng mga mata si Xyrius na nakasandal sa headboard ng kama at pinagmamasdan siya. "Good morning, doll..." paos ang tinig na bati into sa kanya. Halatang bagong ligo si Xyrius dahil basa-basa pa ang huhok nito. White v-neck tshirt ang suot ni Xyrius na hapit sa katawan nito. Yumuko ito at hinalikan siya. "Hindi ka pumasok sa opisina?" tanong niya. Sinulyapan niya ang wall clock, alas nueve na ng umaga. "Nope. I've planned to spend my day with my wife." Masuyong hinaplos pa nito ang buhok niya. Gusto niyang matuw

