Jessa's POV MUKHANG anghel na tagapagmana ng langit si Sarina, ang fiancé ni Xyrius. Tama ang Daddy ni Xyrius, mas nababagay nga ito sa binata. Sarina possessed a classic beauty, sosyal na ganda na kahit tumanda at kumulubot ang balat nito masasabi mo pa ring napakaganda, while her? Na mapawisan lang ng kaunti nagmamantika na ang mukha. Anong laban niya dito? Kahit saang anggulo tignan di siya papantay sa ganda nito. Idagdag pa na mukhang galing ito sa pamilyang pinagpala. Sa kutis at kilos nito nagsusumigaw na galing ito sa mayamang angkan. Mukha ngang kinalimutan na siya ni Xyrius. Hindi na siya nito naalala simula ng dumating si Sarina sakay ng isang chopper. Nakasimangot na umalis siya sa balcony at nilibuyan na ng tingin si Xyrius at Sarina na nag-uusap sa pool habang umiinom ng

