Chapter 14 Suzanne's POV Tinitigan ko siya pero nakatingin lang siya sa puntod. Agad naman akong nagtaka. Sino bang sinasabihan nito? "Mahal kita, mom. Mahal din kita, dad. I'm sure na gagawin ko ang lahat para managot na ang may gawa nito sayo. I love you." Hindi naman pala ako ang sinasabihan ng kumag na 'to. Akala ko ako na. Hay naku Anne, h'wag kasing aasa, masasaktan ka lang. "Tara na." Nakangisi niyang saad at nakatingin siya sa cleavage ko. Agad ko naman itong tinakpan kasi nakasuot lang ako ng V-neck na sando at nakalitaw ang hinaharap ko. "Bastos ka talaga! Manyak." Nang makatayo ako ay binatukan ko siya. Tumawa lang siya at inabot ang bulaklak na para sa akin. "Paalam ka na kila mom." "Bye po. Ingat sila sa amin." Walang sense kong saad. "'Yon lang?" "Oh, ito na. By

