"Nakikita nyo po 'yan Mommy? 'Yan po si baby on your 6th week of pregnancy," Doc Sofia pointed at a small circle na halos parang isang maliit na buto at the monitor. A warm and fuzzy feeling flowed all over my body nang makita ko na si baby. Hindi ko alam na ang maliit na tuldok na iyon ang magbibigay ng sobrang saya sa aming dalawa ni Vance. Ito na talaga 'to. Vance and I are, indeed, expecting. Lumingon ako sa gilid ko to see kung anong reaksyon ni Vance and he's crying. Naka yuko sya habang ang isang kamay nya na hindi naka hawak sa kamay ko ay pinupunasan nya ang luha sa mata nya. Ayaw ko na sanang umiyak but seeing him cry makes me cry too. Sa aming dalawa, si Vance ang pinaka excited kay baby. Mula nang ma confirm naming dalawa when I tested positive on the pregnancy test kit

