"Nandito na naman kayo?" Nakangiti kong sabi nang matigil ako sa front door pa lang nang makita ko ang kuya at ate na karga at nilalayo si Lance. "Hindi ba kayo busy? Baka sabihin ng mga people of Pilar City, walang ginagawa ang congressman nila ah." "Bakit ba? Miss na namin itong tabachingching na 'to eh!" sagot ni Kuya. I chuckled. "You were here just last week kuya. Anyway, kumain na ba kayo? I'll cook something." "Hindi pa, Cami. Your kuya insisted na dumiretso kami rito pagka tapos ng check up ko sa OB." Tumango ako at ngumiti saka nag lakad na ulit to put the groceries on the kitchen. "Alright, ate. Ipagluluto ko kayo." Kuya and Ate are still trying to concieve. Kitang kita ko yung pressure sa kanila lalo na nang mabuntis ako kahit pilit nilang itago. All people were expectin

