It was Tita Leilani's request na roon kami matulog ni Vance sa kanila dahil tutal, wala naman kaming pasok kinabukasan because of magkakasunod na holidays. Matagal tagal rin na hindi naka tulog si Vance sa kanila and his Mom misses him so much kaya pumayag na rin ako. Hindi ko namann ine- expect yung possiblity that we'd spend the night here kaa wala akong ibang daala kundi ang wallet at phone ko. Daig pa kami nung dalawang furr babies na kasama namin, sina Coco at Whiskey, dahil kumpleto ang gamit nila na dala dala ko. "Ate you can change into these. Hindi ko pa nagagamit 'yan." Inabot sa akin ni Lorin yung isang set ng pajamas and pag tingin ko sa ilalim nun ay pair of undies rin. Mukhang kasya naman sa akin kasi maluwag naman yung pajamas. "Thanks, Lo. Bagong bago pa 'to ah," sabi k

