Passage Halos abutin ako ng isang oras bago makauwi sa dorm. Mabagal ang aking lakad habang tumatakbo pa rin sa isipan ko ang paguusap namin ni Ivan. Hindi ko nga alam kung maituturing ko ba iyong proper conversation. Sa sobrang ikli, baka akalain niya ay iniiwasan ko na naman siya. “Mauna na ako.” Ang huling mga salitang binitawan ko bago siya talikuran. Bakit ba ako nangangamba kung ano iisipin niya? Hindi na naman mahalaga iyon eh. At wala naman din ako sa lugar para pag isipan pang mabuti ang mga kinikilos ko sa kanya. Habang naglalakad, napansin ko ang mahinang ilaw ng mga poste na tila dumudoble ang bawat anino sa sahig. Para bang sa bawat hakbang, may kasabay akong mga tanong na hindi ko kayang sagutin. Pinisil ko ang strap ng bag ko, mahigpit, para bang doon ko binubuhos ang

