Closure Hindi ko alam kung maniniwala ako sa mga sinasabi niya. Girlfriend? Ako? Tumalikod ako para ibaba sa sink ang kitchen towel. Pagkatapos ay buong tapang ko siyang hinarap kahit nangangawit na ang leeg ko kakatingala. “Paladesisyon ka. Hindi pa naman ako pumapayag.” Sambit ko. Tinago ko ang nginig ng aking boses dahil ayokong ipakita na naapektuhan ako. “Hindi pa… Pero may pag asa. Tama?” Hinilig niya sa akin ang kanyang mukha, tila sinisilip ang aking ekspresyon. Napalunok ako nang magtama ang aming mga mata. Pumantay siya sa akin at mas lalo pang lumapit kahit todo na ang kabog ng dibdib ko. “Tigilan mo nga ako. Hindi ako nagbibiro.” Umalis ako sa kusina. Hindi ko maitatanggi na nabubuhay na naman ang init sa loob ko nang lumapit siya sa akin ng ganoon. Paakyat na ako ng ha

