Jealous Tatlong araw na akong umiiwas kay Ivan. Sa tatlong araw na iyon, para akong batang nakakakita ng multo kapag nakikita ko siya. Minsan nagtatago, madalas tumatakbo, at higit sa lahat, nagpapanggap akong busy sa design creations at supervision na rin ng construction. Hindi naman siya nangahas na sundan ako o pasukin ako sa kwarto. Nirerespeto pa rin naman niya ang privacy na gusto ko. At kahit alam kong gusto niya akong kausapin ay nananatili na lamang siyang tahimik at hindi ako nilalapitan. Si Jamie, ang binigay niyang kasambahay ang tanging nakakapasok sa kwarto ko para tulungan ako sa kahit ano. Hindi ko naman talaga kailangan pero naisip ko na utos niya at baka mapagalitan lang ito kung papaalisin ko. Nakakatanda ako ng limang taon sa kanya. “Magandang umaga, Ma’am Lauren.

