CHAPTER 5 - Ay, Mali!

1042 Words
Ay, Mali! "SI KING?'', tanong ni Lennie sa yayang naghahanda ng pagkain niya. "Tulog na. Sanay kasi siyang matulog ng maaga at maaga rin kung magising.", sagot nito. Napansin ni Lennie ang patagong paghihikab ni Violy. Naisip niyang marahil ay sanay din itong matulog ng maaga. "Ako na ang bahala dito, Violy. Puntahan mo na si King at baka umiyak kapag nagising na walang kasama.", sabi ni Lennie sa pagitan ng pagsubo. "Salamat, Kuya Lennie.", pagkasabi ay nagmamadali na itong tumalikod. Matapos kumain ay hinugasan na ng binata ang kinainan. Ngunit dahil hindi naman marunong.., ang mga mumo ng kinainan ay naiwan sa lababo. Naglakad lakad ang binata. Mula sa kusina ay pumunta ito sa sala. Minememorya ang paligid na gagalawan. Napakunot ang noo ng binata nang matanawan ang ilang larawang nakapatong sa mesang narra. "Working table siguro ito nitong babaeng nasa litrato.", nasisiyahang sabi ni Lennie. Pinadulas pa nito ang palad sa ibabaw ng mesa papunta sa larawan. "Ito siguro ang Rennie na kaibigan ni Janine. Hmn.., may itsura.", pagkasabi ay ibinaba na ang litrato at ang katabing litrato naman ang kinuha at sinipat mabuti. "Beybing baby pa dito si King. Hindi siya kamukha ng mommy niya. Siguro ang daddy niya ang kamukha niya.", napapangiti niyang sabi. Nakakahikayat ang pagkakatawa ni King sa litrato. Matapos tignan ang mga litrato ay tinanaw naman niya ang garden mula sa sliding door na salamin. Maingat niyang binuksan ang pintuan at saka nagsindi ng sigarilyo. Naupo siya sa silyang tumba tumba. "Pinasadya siguro ang rocking chair na ito. Nakaka relax. Parang pinaghehele ang nakaupo.", isinandal niya ang likod at saka hinitit ang sigarilyong hawak. Nalaglag ang upos sa tapat ng kanyang dibdib kaya napabilis siya ng tayo at ipinagpag ang tshirt na suot. Naghanap siya ng ashtray, ilang kahon na sa mga tokador na naroroon ang nabuksan niya bago pa nakita ang hanap. Pagkatapos ay bumalik na uli sa tumba tumba at umayos ng upo. "Masyadong maliwanag.", pagkasabi ay tumayo uli at nilapitan ang switch upang i off ang ilaw. "Yaaan..., swabeng swabe ang ambiance.", nakangiti niyang sabi at pagkatapos ay muling bumalik ng upo. Ipinatong pa ang dalawang paa at binuhay ang ipod na nasa bulsa matapos ilagay ang earphone. Samantala sa labas.... Isang kotseng pula ang huminto sa tapat ng gate. Iniluwa nito si Rennie na bahagyang sumuray pa sa pagbaba. "Hahaha.., ano mardz, kaya pa ba?", kantyaw ng babaeng nasa driver seat. "Of course! Ako pa? Kayo lang eh, hindi nyo pa pinadala sa akin ang motor ko. Kaya ko namang mag drive.", sabi ni Lennie na halos magkabuhul buhol. "Okay, fine! Bukas ipapahatid ko na lang sayo ang big bike mo. Go! Pasok na!", pagtataboy ng kaibigan ng dalaga na pigil ang pagtawa. "Okay, see you mardz! Thank you, ingat sa pagda drive ha.", bilin ng nakangiting si Rennie. Kumaway pa ang dalaga sa papalayong sasakyan at pagkatapos ay kinuha sa loob ng bag ang susi ng gate. Napangiti ito matapos makapa ang mga susi na ilang ulit niyang hinalukay sa bag. Nakapasok na siya sa loob ng bakuran. Inut inot na binuksan naman ang main door. Bubuksan na sana niya ang ilaw nang agad na mapansin ang mga nakabukas na kahon ng tokador. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig! "Oh, my God! May nakapasok na magnanakaw sa bahay ko!", kabadung kabadong sabi nito. Agad na naisip ang anak at ang yaya nito. Maingat siyang naglakad papasok. Kabisado niya ang loob ng kanyang bahay. At kahit ang liwanag ay nagmumula lamang sa lampshade na nasa sulok ay nagawa niyang makalapit sa arnis na nakasabit sa tabi ng malaking banga. Dahan dahan pa rin ang lakad niya, hinahanap ang pangahas na pumasok sa kanyang bahay. Papunta na siya sa kusina nang makitang umugoy ang tumba tumba. "Ang walanghiya! Nagtatago ka pa diyan sa sa upuan ko ha! Tignan ko lang kung magawa mo pang makalakad matapos kitang balian ng tadyang!", buo ang loob niyang banta habang dahan dahang lumalapit sa kinaroroonan ng inaakalang magnanakaw. Napakunot ang noo ni Lennie. Pasimpleng hinila ang nakapasak sa magkabilang tenga at pinakiramdaman ang papalapit na yabag. Inihanda niya ang sarili sa panganib na nagbabantang dumating. Mula sa tagiliran ay umatake si Rennie! Magkakasunod na pinawalan ang paghataw sa hawak na arnis! Umilag si Lennie! Ngunit hindi sapat! Tumama sa kanyang balikat at braso ang magkasunod na palo ni Rennie. Tumagilid ang tumba tumba at bumagsak siya sa sahig! "Walanghiya ka! Sino ka?! Huwag kang kikilos ng masama kung gusto mo pang sikatan ng araw!", nagbabantang sigaw ng dalaga. Nagmamadali itong lumapit sa switch ng ilaw at agad na pinindot ang on. Kumalat ang liwanag sa buong sala. "Ate Rennie?! Anong nangyari?!", nagtatakang tanong ni Violy. Palipat lipat ito ng tingin sa babaeng akala mo isang mandirigmang may hawak na dalawang espada. At sa lalaking nakabagsak sa sahig at nakangiwi habang panay ang hagod sa balikat at brasong agad na namaga. "Dalian mo, Violy! Tumawag ka agad sa presinto! Sabihin mong may pumasok na magnanakaw sa loob ng bahay natin!", pasigaw na utos ni Rennie. "Pero ate Rennie...", atubiling sabi ni Violy. "Ano pang itinatanga mo diyan?! Tumawag ka ng pulis!", muling sigaw ng dalagang nakabantay sa maling pagkilos ng lalaki sa lapag. "Eh, ate. Hindi po siya magnanakaw. Siya po ang bago nating boarder.", sabi ng naguguluhang yaya. "Bo-boarder?! Ang lalaking ito?! Nagkakamali ka , Violy. Si Lennie ang magbo board sa atin.", sabi ng dalaga. Bagamat si Violy ang kausap ay sa inaakalang magnanakaw ito nakatingin. Naka posisyon pa na aatake uli sa oras na magtangkang tumayo ang binabantayan. "Ako si Lennie, kaibigan ni Janine. Hindi ko alam kung anong nagawa kong kasalanan para makatikim ng karahasan sa mga kamay mo!", naiinis na sabi ni Lennie sa dalagang natigilan. "I-ikaw si Lennie? Pero akala ko ay....", mahinang sabi ng dalaga. Hindi makapaniwalang lalake pala ang Lennie na boarder niya. Tatawagan sana niya ang kaibigang si Janine ngunit alanganing oras na kaya hindi na lamang itinuloy. Nag iwan na lang siya ng message. Nakatayo na si Lennie sa tulong ng yayang si Violy. Masama ang tinging nito sa nanakit sa kanya. "Amasona yata ang babaeng ito! Ang sarap pilipitin ang leeg! Ahh..!", daing niya. Masakit ang balikat na pakiramdam niya ay napuruhan ng kinaaasarang kasera.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD