"Fatima," tawag sa akin ni Drake. Hindi ko nga siya iniimikan. Kanina pa siya sunod ng sunod sa akin. Hindi ko kasi siya magawang sulyapan. Naiinis ako dahil napakasinungaling niyang tao. Anong gusto niyang palabasin? Kailangan niya pang lokohin ang mga tao? Sabagay, ganito din naman ako. Pero iba naman yung pamamaraan ng panloloko niya. Napasinghap na lang ako rito habang may hawak akong pamingwit. Narito kami sa fishpond habang namimingwit ng isda. "Fatima... May balak ka bang mag-uwe ng mga isda? Marami ka ng nabibingwit oh," turo niya sa timba. "Can't you see that?" singhal niya. Bahagyang napatingin nga ako sa dala-dala kong malaking timba na halos mapuno na nga ang laman niyon. "Huwag mong sabihing mag-uuwe ka nga. Mag-aamoy isda yung sasakyan ko Fatima," galit niyang ani. Hindi ko

