"PONYANG! anak, gising na.." Nabulabog ang pagtulog ko dahil sa sigaw ni mama sa labas ng aking kuwarto habang kinakatok niya pa ang pinto. Napabalikwas ako ng bangon dahil sa ingay na iyon. "Ano ba ang araw ngayon?" tanong ko rito. Nang maalala ko na lang na Thursday pala ngayon. Shutah! Akala ko ay Sunday. "Nariyan na po ma!" sigaw ko. Napababa ako agad ng kama at dali-dali kong tinungo ang pinto. Bumungad sa aking harapan si mama na nakapameywang. "Anak tanghali na. Bakit ka naman hindi gumising ng maaga. Pupunta ka pa ng mansion niyan. Halla! Dalian mo... Kumilos ka na," ani ni mama. "Pasensiya na po ma," ani ko. Hindi ko alam kung anong oras ako nakatulog kagabi dahil kay Drake na siya ang laman ng aking isipan. Sino ba naman ang hindi kikiligin kung may care na sa akin si Drake.

