Nagsisi talaga ako na narito ako na dapat ay kanina pa sana ako umalis. Ayan tuloy ang napala ko dahil panay ang utos sa akin ni sir. Dumating na kasi yung bwisita niya. Masama kong tinitigan si Cyntia. Siya yung designer ni sir. Kung titignan ay ang landi niyang kumilos at kulang na lang ay ipakita na nito ang kan'yang dibdib. Mabuti na lang ay hindi naaakit si sir sa kan'ya. Ako kaya? Maaakit kaya si sir sa akin? Paano kung pumayag ako sa kagustuhan ng kan'yang tita Eloisa? Magagawa ko kayang maakit si sir? At bakit ko naman siya paiibigin? Halla! Ano kaya ang rason bakit sa akin niya pa iyon ipapagawa? "Fatima!" tawag sa akin ni sir. Hindi ko siya pinansin. Nainis kasi ako. Imbes na ako ang kasama niyang nagmemeryenda ngayon ay Cyntia tuloy ang kasama niya. "Fatima!" tawag niyang mul

