DALA-DALA ko ang mga gamit namin ni Drake nang ako ay umuwing mag-isa. Hindi alintana sa akin ang pagod sa biyahe dahil nasa puso ko ang tunay na sakit na nadarama. Hindi ko mapigilan na hindi mapahikbi habang nasa isip ko ang masasakit na salita na binibintang niya sa 'kin. Pagkarating ko ng mansion ay naabutan ko si manong na naglilinis siya ng sasakyan ni Drake. Narito na si Drake? Gusto ko sana itong kausapin pero kung ipipilit ko pa ang sarili ko na hindi ako ang may gawa niyon ay baka mapahiya lang ako. Ako lang talaga ang pagbibintangan niya dahil kami lang naman dalawa ang nasa loob ng suit na iyon. Nahinto na lamang ako rito at hindi na pinilit na pumasok sa loob. Kay manong ko na lang ibinigay ang mga naiwang gamit ni Drake. Umalis din ako agad pagkabigay ko ng mga gamit niya

