Nang malaman ko ang lahat ng sikreto ni Drake, hindi ko na talaga mapigilan ang sarili ko na hindi mapahikbi habang nasa bisig niya ko. Hindi ko man masabi sa kan'ya ang katotohanan na ako ang babaeng kasama niya noong gabing may nangyari sa amin. Paano ko ito sasabihin sa kan'ya? Hawak na ko sa leeg ni Eloisa. "Fatima... Bakit ka umiiyak? Nakakaiyak ba yung nakaraan ko?" mahinahong saad nito. "Hindi Drake... Ewan ko kung bakit? Basta umiyak na lang ako eh." "But why? Can you tell me how you feel? Hindi ka naman siguro iiyak kung walang dahilan. Hmmm..." "Wala... Namiss lang kasi kita. Mabuti at dinalaw mo ko rito. Ikaw pa naman ang iniisip ko kanina," at nadulas na naman ang aking bibig sa sinabi ko. "Ugh! Really?" kasabay ng pagkalas ng pagkakayakap niya sa 'kin. Natameme na lang a

