Chapter 7

1642 Words
Paalis na ko sa hotel nang makuha ko na ang address ni binigay sa akin ni sir Cedrick. Pagkalabas ko ay may taxi na nakaabang rito sa labas. "Galingan mp Ponyang ha. Sayo nakasalalay ang lahat," ani ni Beauty. Sinamahan niya ko sa paglabas ng hotel. Gusto ko na ngang maiyak dahil sa trabahong ito. Hindi ko sigurado kung magagawa ko nga ito. "Alam mo Beauty, ang taas ng tiwala ni sir. Akalain mo ba iyon. Ako? Bakit ako pa ang sinabihan na malakas ang karisma samantalang wala namang lalaking pumapansin sa akin. Sigurado ako, hindi ko ito magagawa," negatibong ani ko. "Oh siya umalis ka na. Ipagdadasal ka namin ng Alleluya Amen," pangbubugaw sa akin ni Beauty. "Sira ka talaga. Okay na ba itong suot ko? Para naman akong mahuhubaran sa suot ko nito," asik ko. "Shunga ka! Okay na 'yan. Ang hot mo ngang tingnan," ani nito sabay haplos niya sa tiyan ko. "Baby, ikaw ang aming anghel. Gabayan mo ang mommy mo ha," kausap niya ang baby ko sa tummy ko. Napangiti ako ng husto dahil sa baby kong nasa sinapupunan ko. "Sige na Ponyang, umalis ka na at malapit nang mag-alas diyes," pangbubugaw niya sa 'kin. "Sige Beauty aalis na ko. Sana magawa ko ito," positibo kong sabi. "Kaya mo 'yan. Go go go!" Saka ako sumakay sa loob ng taxi. Kumaway pa ko kay Beauty pagkaalis ng taxi. "Manong heto po ang address." Inabot ko sa kan'ya ang puting papel. Kinuha niya ito at binasa. "Doon ang punta mo iha?" Tanong ni manong driver. "Opo manong. Bakit mo naman natanong?" "Naninigurado lang iha dahil itong taong pupuntahan mo ay isang napakasikat na tao," ani niya na kinangiwi ko. Kung sikat siya, bakit hindi ko siya kilala? "Ganun ba manong? Kaso hindi ko naman siya kilala eh kahit sikat siya." Na kinatawa niya. "Ayos lang naman iyon iha kahit hindi mo siya kilala. Ako man din ay hindi ko pa nakikita ang itsura niya. Naririnig ko lang pangalan niya kaso ang sabi sabi ng mga tao ay isang mysteryosong tao si Mr. Fuentabella kaya kung doon ang punta mo ay naku. Baka hindi mo makukuha ang nais mo sa kan'ya." Kinabahan naman ako sa sinabi niya. Sa akin pa naman nakasalalay itong ipapapima ko. Paano kung hindi ko magawa. Goodbye na ang hotel. First time kong nagkatrabaho doon pero mawawalan din ako agad ng trabaho. Paano na ang future ng anak ko? "Manong malayo pa ba?" tanong ko. "Malapit na tayo iha." Nakaramdam ako ng matinding kaba dahil malapit na ko sa destinasyon ko. Napasign of the cross pa ko nang huminto na ang sasakyan sa nagtataasang building. Namangha ako sa gara ng building. Yayamanin talaga ang may-ari nito. "Manong heto po ang bayad." Inabot ko sa kan'ya ang bayad ko saka ako bumaba ng taxi. Nasa tapat na ko ng building. Hindi ko maikailos ang mga paa ko dahil parang may pumipigil. "Shuta naman, maglakad ka na!" utos ko sa mga paa ko. Pinagtitinginan na ko ng mga tao dahil parang t*ng* ako na kausap ko ang mga paa ko na tila naging bato na. Ramdam ko na rin ang init rito sa labas kaya naman pinagpawisan na ko sa aking noo. Napatingin ako sa aking relos, ganun na lamang ang ikinalaki ng mga mata ko dahil ilang minuto na lang ay mag-aalas diyes na. Pinilit kong ihakbang ang mga paa ko and yes! Naihakbang ko na din. Narito na ko sa may gate. Hinarangan pa ko ng dalawang guwardiya. "Id ma'am," ani ng isang bantay. Hindi nila ko pinapasok dahil need pa ng I.D. bago makapasok sa loob. "Huh?" Anong id ba ang hanap nila? Maraming klaseng id ang alam ko. Kinuha ko na lang ang id ko noong kolehiyopa ko. 8 years na itong nasa akin. Ipinakita ko iyon sa kanila nang bigla na lang itong tinawanan. Nangunot ang aking noo dahil ginawa nilang katatawanan ang ilong ko. Nang may biglang bumusina. Tumabi kaming tatlo sa gilid dahil sa magarang sasakyan na papasok sa may looban. Habang abala ang mga guwardiya sa kausap nila sa sasakyan. Agad na pumasok ako sa loob. Hindi nila namalayan na nakapasok na ko rito sa loob ng building. Nakahinga ako nang maluwag. Tuluyan na ko nakapasok sa loob. Ang hirap pala nitong pinasukan ko. Ito pala yung sinasabi ni sir na malakas ang karisma ko dahil sa butas ng mga ilong ko. Inafairness may silbi din pala itong ilong ko, at lihim akong napatawa. Kaya pala ako natanggap agad ni sir Cedrick ay dahil sa ilong ko. Shuta na ilong na ito. "Ahm miss," tawag ko sa babaeng papasok sa elevator. Tinanong ko agad kung saan ang opisina ni Mr. Fuentabella. Nang mapatingin siya sa likuran ko. Napatingin na din ako. Naiawang ko na lang ang aking ibabang labi. Siya yung lalaking nakilala ko sa bar ha. Yung lalaking..... Sabay takip ko ng mukha ko sa likod ng red folder. May atraso pa ako sa kan'ya eh. Paano na 'to? "Hello sir," bati ng babaeng kinakausap ko kanina. Nakangiti pa siya. "May naghahanap po sa inyo," ani niya. "Where?" tanong niya. Nanlaki ang mga ko nang ituro niya ko. "Siya po sir." "Patay!" mahinang usal ko. Tumikhim ito. "Sige Lora, ihatid mo siys sa opisina ko," ani nito at naunang pumasok sa loob ng elevator. Nakahinga ako ng maluwag nang wala na ito pero hindi ko pa napapapirmahan sa kan'ya itong hawak kong mga dokumento. Nang maihatid ako ng babae dito sa opisina ni Mr. Blade Fuentabella. Hindi muna ako kumatok. Nag inhale exhale muna ko bago pumasok sa loob. Heto na, kakatok na talaga ako. Bahala na sa akin si batman. Kumatok ako ng tatlong beses saka ko marahang pinihit ang door knob. Bumukas iyon at dahan-dahang tinulak ang pinto. Sumilip pa ko at nakita ko siya na prenteng nakaupo sa kan'yang office chair. Kabado ako nang pumsok ako sa loob na nakatakip ang aking mukha gamit ang folder na hawak ko. "Hello sir," ani ko. Humarap ako sa kan'ya at ngumiti. Parang nagulat pa siya nang makita niya ko. "Ikaw?" Parang hindi pa siya makapaniwala sa nakikita niya. Tumango ako. "Anong sadya mo at narito ka?" Pasupladong ani nito. Parang sa una pa lang hindi niya pipirmahan ang hawak kong mga dukumento. May utang pa kong 100k. Shuta! dumagdag pa itong trabaho ko. "Hello sir, nice meeting you again," ani ko na kay lapad ng ngiti ko sa aking labi. Umupo ako sa tapat niyang upuan at inilapag ng maayos ang folder sa mesa. "Ahm... by the way sir, narito ako para papirmahan sa iyo itong mga dokumentong narito sa folder. Galing po ako sa kabilang building," ani ko. Lumakas pa lalo ang kaba na nadarama ko nang mapahawak pa siya sa kan'yang baba at tila nag-iisip pa ito. Parang tatanggihan niya itong ipinunta ko ha. "Okay," tipid niyang sagot saka niya dinampot ang folder. Niribisa pa niya ang bawat papel na nakasaad doon. "Matagal na itong kontratang ito. Ni isa ay wala pang pumirma?" Tumaas ang dalawa kong kilay. Ibig sabihin ba ay ilang dekadang nakabaon yung contrata? Shuta! Sabi kasi matagal na raw. "Hmmm..." sabay hawak niya sa kan'yang baba at tila nag-iisip pa ito. "Hindi ako ang magdedecide dito sa contratang ito." Na kinangiwi ko. "Ako lang humahawak ng kompanyang ito for security reason na rin. I think, kailangan mong makausap ang boss ko dahil siya lang ang pwede pumirma dito." "Hah? Ibig mong sabihin hindi ikaw ang may-ari nitong building na tinatapakan ko ngayon?" "Yup! Ako lang nagmamanage dito. Sobrang busy kasi ni boss dahil may mahalaga siyang inaasikaso," ani niya. "Ibig sabihin nito ay wala pala akong mapapala sa ipinunta ko dito." Sabay simangot ko dahil napagod lang ako sa wala. Pati yung id na iniingatan ko ay naibigay ko pa sa mga walang hiyang mga guwardiya. "Meron ka naman mapapala if you want to go with me." Napalunok ako ng laway. Baka singilin niya ko sa utang ko. "Sisingilin mo na ba ako sa utang ko?" Malungkot kong tanong. Napayuko ako't hinaplos ang impis kong tiyan. "No, forget about that." Napatingin ako agad sa kan'ya dahil sa tuwa. Naswertehan ko ata dahil sa baby ko. Salamat anak, sa loob loob ko. "Ano? You want to go with me? Para makilala mo ang kaibigan kong boss," ani niya. "Ako na ang magdadala nito," na hawak nito ang folder. "Sige, sasama ako sayo. Pero uuwe din ako agad ha," sabay nguso ko. "Hindi natin masasabi niyan_" sabay hinto niya na tila may iniisip siya. "What is your name again?' "Fatima sir," tipid na sagot ko. "Okay Fatima, nice name huh! Ahm... About sa sinabi mo kanina. Hindi natin sigurado kung papauwiin ka agad ni boss. Malaking bagay kasi itong contratang ito. So need mong makuha ang loob ni boss para mapirmahan niya ito," ani niya. "Oh sige na nga, payag na ko." Pumayag ako para matapos na. "So let's go," pag-aya niya. Sabay kaming napatayo sa mga upuan namin. Nauna akong lumabas at sumunod siya. Palabas na kaming dalawa sa building nang may sasakyang pumarada sa may harapan namin. Bumaba ang sakay ng magarang sasakyan at binuksan niya ang pinto. Pumasok ako at umikot naman sa kabila si sir Blade. Pinaandar na niya ang sasakyan. Patungo na kami ngayon sa boss niya. Nakuryos tuloy ako sa boss niya. Kung hindi siya ang may-ari ng building na pinuntahan ko. Sino? "Ah sir," tawag ko. "Hmmm.." sagot niya sabay lingon sa akin. "Anong name ng boss niyo po?" Tanong ko dahil nagtataka lang ako. "Actually ayaw niyang ipaalam sa iba eh. Ang alam ng lahat ay ako ang may-ari ng building na iyon. Huwag mo na lang ipagsabi sa iba okay. Kumbaga kapalit na ito sa ginawa mong atraso mo sa 'kin noon." Napangiwi na lang ako dahil sa kasalanan ng facemask ni madam Boomba.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD