Patungo na naman ako sa mansion ni Drake, siyempre iyon na naman ang gagawin ko ang ipaghanda siya ng kan'yang breakfast. At heto na naman, umagang kayganda. Si manong driver na naman ang aking nakakasalubong sa tuwing magagawi ako rito. "Good morning Fatima" bati nito na may ngiti sa kan'yang labi. "Same to you," bati ko din. "Siya nga pala, gusto mo pa ba kumain ng chocolate?" Sumimangot ako dahil pinagtawanan niya ko kahapon. "Alam mo manong... Kung gusto mong kumain ng tsokolateng maanghang. Ikaw na lang kumain. Bagay pa sa mas maanghang mong mukha," pagtataray ko. "Ang sungit mo naman. Galit ka pa rin ba?" Pekeng ngumiti ako. "Bye!" paalam ko saka nagtungo agad ng kitchen. Wala na kong oras para kausapin siya. Abala ako ngayon sa pagprepare ng pagkain niya. Wala ngayon si Dr

