"Hon..." nilapitan ko si Kazu at hinalikan sa lips. "Sabi ko wag ka ng bumaba di ba?" Hindi naman nawawala ang kunot sa noo niya habang nakatingin kay Alex na kumaway pa talaga sa akin bago bumalik sa loob ng botique. "Sino 'yon? Bakit kasama mo?" "Anak ni Tita Amor. Pinsan ni Genesis." Hinawakan ko ang pisngi niya at hinarap sa akin. "Nag-apply akong part time job, eh. Tinulungan ako ni Genesis." "Why you didn't tell me about it earlier? Sana natulungan rin kita. I have friends with businesses too." "Hindi! Keri na!" Nag-thumbs up ako sa kaniya. "Mabait naman si Tita Amor. Siya pa nga ang mag-adjust sa schedule ko sa mga subjects. Tsaka hindi ko talaga sinabi sa 'yo, hindi ko kasi sure kung matatanggap ako." Natawa ako pagkasabi non. "Ang OA ko ba? Sales clerk lang naman ang part

