NAGISING akong parang may earthquake magnitude 9.5 dahil sa pag-ikot ng paligid ko. Nakangiwing napahawak ako sa noo ko at hilot-hilutin 'yon. Putanginang hang over naman 'to, oh... Ganito ba talaga kapag nagkakaedad? Nagiging weakling na pagdating sa inuman? Shuta, noon kaya kong patumbahin mga tambay sa kanto namin sa Tondo, ah! Napapailing na pumikit ako sandali bago dumilat ulit at bumangon. Umikot ang tingin ko sa paligid at na-realize na wala pala ako sa kwarto ko. Kulay gray ang mga pader at kisame. Itim naman ang bedsheets at iba pang mga gamit. May sliding door papunta sa balcony na natatakpan ng sheer na kurtina at isa pang pinto sa kabilang side papunta sa walk in closet. The room feels and looks familiar to me. Ang huling natatandaan ko, nagsasayaw kami nila Genesis

