“I told you, sabihin mo na ‘yan kay Kazu. Look at him, mukha namang ready na siya maging Daddy.” Sinundan ko ng tingin ang nginunguso ni Genesis na si Kazu at Laura. Nagtatampisay ang dalawa sa swimming pool. Napapangiti pa si Kazu habang pinagmamasdan si Laura na tuwang-tuwang nagpapalutang sa salbabida. Tatlong araw na sila rito sa hotel. At tatlong araw na ring ulirang ama at ina ang peg namin ni Kazu kay Laura. Hindi ko naisip na ma-e-enjoy ko ang mag-alaga ng bata. Noon kasi ayoko talaga sa mga bata. Ang tingin ko sa kanila mga nagtatransform na chaka doll at tsanak na kapag gutom! Ganoon ang mga anak-anakan ng kapitbahay namin sa Tondo! Ang iingay umatungal! Parang busina ng truck ng basura ang mga bunganga! Kaya isinumpa ko noon na ‘di ako mag-aanak, dahil masisira lang

