Mabilis siyang nag-reply na lalong ipinagtaka ko. Gamit rin niya ang personal niyang number. Madalas kasi roon niya ako sa sekretarya niya pinapa-text. Natatakot na baka mabasa ang asawa niya. Papa: Masama bang kumustahin ang anak ko? Kumunot ang noo ko. Lasing ba 'to si Papa? O naka-droga? Never in a million years na kinumusta niya ako, ‘no. Tsaka nakakalimutan ba niya ang ginawa niya sa akin last time? Pinagsasabunutan, sinuntok at itinakwil lang naman niya ako. Ano? Akala niya ganoon ko lang ‘yon makakalimutan? Simpleng pangungumusta lang? Nanakit at umahon na naman ang galit sa dibdib ko. Hindi namin mararanasan ang lahat ng dinanas naming hirap kung naging mabuti sana siyang ama! Hindi sana ko, parang gaga ngayon na iniisip saan maghahagilap ng trabaho para may pang-aral! At l

