"What?" Nakataas ang sulok ng labing sita niya sa akin nang mahuli akong nakatingin.
Bwiset! Akala mo, gwapo kung magsungit!
"Tse!" Umiirap na tumayo at nilayasan siya roon.
Binayaran ko na ang cellphone saka lumabas ng store. Napatigil lang ako dahil nagkabungguan kami ng babaeng papasok sana.
"Uy, sorry—"
"Ouch!" Inis na sabi sa akin nung babaeng nakabungguan ko hawak ang balikat niya. "Are you blind?!"
Aba, ang lakas ng loob! Malay ko bang susulpot siyang boba siya!
Kumunot ang kilay ko nang ma-recognized ang pagmumukha niya at conservative na suot. Ah, ito 'yong babaeng ang ingay ng bunganga kagabi. Yung shota no'ng nerd na 'yon!
Magkaugali pala ang mga bwiset! Kepapanget pero kung umasta akala mo, keyayabang!
"Teka ka nga," tinaasan ko siya ng kilay. Napansin kong natigilan siya. "Baka ikaw ang bulag— este malabo ang mata." Sabay nang-iinis na ngumisi.
Nagsalubong ang kilay niya, lalong nainis. Pero imbes na sagutin ako, nagmamartsang pumasok na lang siya sa loob ng store.
Ngumisi naman ako at pinagpag pa ang balikat ko bago umiirap na naglakad.
Weak s**t!
Oo, taklesa at astang kanal talaga ang ugalit at bunganga ko, pero hindi ako nakikipag-away ng wala sa lugar at alam kong ako ang mali.
But once na ako ang ginawan ng hindi maganda o binigyan ng bitchy attitude— maghanda ka na manghiram ng mukha sa aso!
Hindi na ako nagtagal sa mall dahil wala na akong pera. Kung mapapagastos pa ako, baka asin na ulamin ko.
Pagdating sa inuupahan kong dorm, medyo na-relieved ako nang makitang wala ang room mate ko. Salamat naman at makakatulog ako ng maayos mamayang gabi. Hindi pa rin kasi nag-break 'yong dalawa kahit binalaan ko na si Joanne.
Ganoon ba talaga kapag na-i-inlove? Sobrang nagiging boba at tanga?
Napapailing na nagluto ako noodles sa rice cooker bago dala ang bowl na sumalampak sa sahig. Pinalalamig ko 'yon sa harapan ng electric fan nang mag-popped up ang icon headchat sa phone ko habang nag-scroll.
Mr. Strange: Busy?
Mabilis akong nag-type. Hindi ko na siya na-reply-an kanina kasi na-lowbat 'yong phone ko kaninang naglalakad ako pauwi.
Sluteena: kauuwi ko lang. Pinagawa ko 'tong cellphone ko.
Mr. Strange: Me too. Anyway, are you okay? What happened last night?
Pinag-krus ko ang mga hita ko, saka sumandal sa kama.
Sluteena: May gago kasing nambastos sa akin kagabi.
Mr. Strange: What?
Sluteena: Oo! Sinapak ko nga ang gago! Dumugo ilong niya ih! Hahahahaha! Ikaw pala? Anong nangyari sa 'yo?
What a coincidence parehas pang may ganap sa amin kagabi.
Mr. Strange: May konting gulo lang kagabi. But everything is fine. :) have you eaten your dinner?
Bumaba ang tingin ko sa noodles na pinalalamig ko sa harapan ng electricfan. Kinuha ko 'yon saka humigop ng sabaw.
Sluteena: lumalafang na.
Mr. Strange: lumalafang? What's that?
Sluteena: Kumakain!
Mr. Strange: Sorry, I haven't heard that term before.
Natawa ako. Rich boy siguro siya kaya hindi alam mga salitang kanal.
Sluteena: Ang cute mo 'no? Ang inosente lang... Hihi. ;>
Mr. Strange: So... are you willing to teach me? :)
Marami na akong nakalandian before. At kabisado ko na ang mga lalaki na madalas mambobola, magpapa-cute hanggang sa pumayag ka na makipag-hook up.
But with this man... ewan ko bakit, ang cute ng pagiging naive niya.
But probably he was just like those guys I've met. Our conversation is actually, leading to it. Well, hindi naman siguro masama kung subukan ko makipag-hook up sa dating app?
Ano bang kaibahan niyon sa pakikipag-hook up ko sa mga ipinapakilala lang sa akin? At nakikilala sa social media.
Kagat ang ibabang labi na nag-type ako para mag-reply.
Sluteena: Teach you what?
Mr. Strange: Things I didn't know?
Sluteena: And what are those, hmm?
Mr. Strange: Pleasuring a woman.
Straight to the point. I liked it.
Sluteena: At bakit sakin mo gusto magpaturo?
Mr. Strange: I think you're experienced enough to teach me?
Pakiramdam ko naman na-boost ang ego ko sa sinabi niya! At hindi ba ang mga katulad niya ang gusto ko? Yung susunod sa lahat ng sasabihin ko?
Sluteena: Okay.
Kaagad kong pagpayag.
Mr. Strange: Okay? What do you mean? Payag ka na?
Sluteena: Yes, but on one condition.
Mr. Strange: What is it?
Sluteena: Ayawan na kapag nagkagusto ka sa akin.
Confident kong tugon sa kaniya.
Ilang segundo ang lumipas bago siya nagreply.
Mr. Strange: Deal.
Umangat ang sulok ng labi ko.
Sluteena: Good.
Mr. Strange: So, let's meet up.
*
*
"At pumayag ka naman? Really, Vi? Hindi mo pa nga kilala 'yan personally!" Sermon sa akin ni Genesis.
Lunch break at nandito kami ngayon sa canteen kasama si Jane. Wala si Friday dahil pinuntahan na naman ang shota niya sa San Beda.
Nakwento ko sa dalawa ang tungkol napag-usapan namin ni Mr. Strange na pagkikita mamayang after class. Hindi ko na lang muna ikinuwento ang tungkol sa deal namin.
"Huwag ka ngang OA, Gene. As if naman makikipagkita ako sa motel! Sa coffee shop lang kami! Tsaka kaya nga kami magkikita para magkilala personally, hello!"
"Paano kung stalker 'yan? Or.. what do you call it? Budol? Like those bad guy, who uses hypnotism! Mamalayan mo na lang tinangay na pala ang mga gamit mo."
Tumawa ako. "Anong tatangayin niya sa akin?" Itinaas ko ang cellphone ko. "Itong cellphone kong bulok? Ibigay ko pa 'to sa kaniya! Isama ko pa wallet ko na one pesos ang laman!"
Napailing si Genesis, parang na-stress. "We will go with." Nilingon niya si Jane. "Right?"
Umangat ang tingin ni Jane mula sa pagdutdot sa cellphone. "Ha?" Lutang na tanong niya.
Ngumuso ako at sumalumbaba. "Si Levi daw nakita niya may kasamang babae sa hallway."
Pinangunutan niya ako ng noo. "Feeling ko mukhang isda 'yang ka-chat mo."
Hindi ko napigilang humagalpak ng tawa. "Bwiset ka talaga!"
Nagkibit lang siya ng balikat saka bumalik ang atensyon sa pag-dutdot sa cellphone.
"Paano nga kung hindi pumasa sa standard mo 'yang ka-chat mo?" Curious na tanong ni Genesis.
"Well... edi goodbye na sa kaniya! Hindi ko naman kayang makipag-laplapan sa mukhang paa, kung sakali!"
"Did you put your personal information ba sa profile mo sa dating app na 'yon?"
Tumango sa tanong na 'yon ni Jane. "Bakit? Nilagay ko yung school ko."
Nagkatinginan sila ni Genesis saka sabay na napatampal sa noo.
"Paano kung puntahan ka rito at i-stalk after mong i-turn down 'yan?"
Natigilan ako. Oo nga 'no! Bakit ba hindi ko naisip 'yon!
Dali-dali akong nagpunta sa profile ko. But too late dahil nag-chat bigla si Mr. Strange.
Mr. Strange: I noticed. We have the same university. Nasaan ka? Pwede kitang puntahan ngayon.
Namimilog ang matang tumingin ako kay Genesis at Jane na parehong nagtatakang nakatitig naman sa 'kin.
"Hey, what's your problem?" Kunot ang noong tanong ni Genesis.
Hindi ako mapakaling luminga sa paligid bago bumalik ang tingin sa kanila. "f**k! He's here!"
"Sino?" Tanong naman ni Jane.
Iniharap ko sa pagmumukha nila ang cellphone kung saan nasa screen ang chat ni Mr. Strange.
Nanlaki ang mata ni Genesis. "Oh my god! Parehas kayong taga-Perps!"
"Oo! Tangina!" Umikot ulit ang tingin ko sa paligid bago nagmamadaling kinuha sa bulsa ng bag ko ang liptint saka nag-retouch. "Baka nandiyan lang siya sa paligid! Tinititigan ako! Bwiset! Bakit ba itong skirt na 'to ang isinuot ko! Masyadong pa naman 'tong mahaba deputaaaaa!"
"Hey!" Pumitik si Genesis sa harapan ng mukha ko. "Chill out! Listen, I have an idea!"
Napahinto ako at sabay pa kaming tumingin ng katabi kong Jane sa kaniya.
"Anong idea?" Curious na tanong ko.
"Come on!" Tumayo siya at hinila kami ni Jane patayo. "Papunta mo siya sa soccer field! Now na!"
"Ha? Bakit?"
"Basta! Do what I said!" Sagot niya sabay nauna nang maglakad sa amin.
Nagkatinginan pa kami ni Jane na tumatakbong sumunod kay Genesis na ang layo kaagad sa amin.
Pumasok kami sa loob ng gate ng soccerfield at sinundan pa rin si Genesis hanggang magtago sa likod ng mga puno at halamanan roon sa gilid.
"Mukha naman tayong tanga dito!" Maktol ko.
Parang kaming mga misis na minamanman ang mga mister nilang may kabit!
"Ano, na-chat mo na ba— Jane!" Tili ni Genesis.
Paglingon, nakita ko si Gagang naglalakad na palayo sa amin. Nakatakip pa sa mukha na parang hiyang-hiya sa pinag-gagawa namin!
Lumingon siya at nakangiwing kumaway. “I need to go! Magkikita pa kami Levi!”
“What! She really left us! In the middle of our mission!” Hindi makapaniwalang sabi ni Genesis.
Napailing ako. “Para naman kasi tayong gago rito, Gene—“
“Just text him! Ano ka ba! I’m helping you here! Hello? Ayaw mo ba makita ang itsura niyang ka-chat mo bago mo siya i-meet?”
Naningkit ang mga mata ko. Well, well… may punto nga naman si Genesis. Atleast, ngayon malalaman ko na kung kakainin or itatapon siya!
“Ito na! Ito na! Rereply-an ko na!” Umiirap na sagot ko sa kaniya saka tumipa sa cellphone ko.
Sluteena: Hello! Sakto chat mo! Nandito ako sa may soccerfield. Punta ka?
Mabilis siyang nag-reply.
Mr. Strange: On my way there.
Nagpapanic na lumingon ako kay Genesis. “Papunta na siya!”
Para kaming gaga na lulubog-lilitaw ang mga ulo sa halamanan. Hindi nagtagal matanaw kong may pumasok na matangkad na lalaki sa gate at naglakad papunta sa gitna ng soccerfield habang nagtitipa sa cellphone.
I could’n’t cleary see his face dahil nakasuot siya ng color blue na hoodie.
Hinila ko si Genesis na luminga-linga pa sa field. Kamuntikan masubsob ang mukha niya.
“Sorry naman!” Alanganin akong ngumiti nang kumunot ang noo niya sa akin. “Anyway, nakita kong may pumasok na matangkad na lalaki!”
“Do you think it’s him!” Malakas na bulong niya sa akin.
“I think so—“ napahinto ako nang mag-vibrate ang cellphone ko.
Nagmamadali ko ‘yong kinuha. Kulang na lang magkapalit ang mukha namin ni Genesis na nakikibasa pa sa chat.
Mr. Strange: I’m here.
Nagkatinginan kami bago sabay na dahan-dahang sumilip. Tinakpan ko ang aking bibig nang makitang nakatayo ilang hakbang ang layo sa pinagtataguan naming halaman ang lalaking nakatalikod na luminga-linga sa paligid.
Nag-vibrate ulit ang cellphone ko.
Mr. Strange: Where are you?
Magrereply na sana ako nang dahan-dahang pumihit paharap sa amin ang lalaki. Umawang labi ko nang matitigan at makilala ko kung sino ‘yon.
What the f**k…
Ang nerd na mayabang at si Mr. Strange iisa!
Hindi pa ako nakababawi nang biglang tumunog ang cellphone ni Genesis. Sa lakas no’n napalingon sa gawi namin ang lalaki, hindi pa man kami nakakapag-tago.
Kunot noong naglakad siya at lumapit. Tinitigan niya ako. “What are you doing here?”
No choice! Kundi lumabas sa pinagtataguan namin.
Ngumiwi si Genesis. “Sorry! I have to answer this! Bye!” Sabay karipas ng takbo at iniwanan ako.
Nagngingitngit na tumayo at pinag-krus ang mga braso sa dibdib ko. Tinaasan ko ng kilay ang bwiset na lalaki. f**k just f**k! Napansin kong titig na titig siya sa akin.
“What?!” Mataray kong sita sa kaniya.
Bumaba ang tingin niya sa hawak na cellphone saka hindi makapaniwalang bumalik ang tingin sa akin. “You’re… sluteena?”