BUMABA ako ng kama hawak ang ulo ko. Parang umiikot ang palagid ko. Badtrip na hang-over ‘to! Sigurado pagtatawanan ako ni Genesis kapag nalaman niyang nagwalwal ako gabi. Tangina talaga. Halos wala ako masyadong matandaan sa mga nangyari last night. Ang huling natatandaan ko, nilaplap ko si Kazu para pagselon si Miyuki. And I know we succeeded doing it. Nag-walk out ang bruha. After no’n, black out na ako! Hindi ko na alam anong mga pinag-gagawa ko. Malamang si Kazu, nalasing rin. Ang tanong paano kami nakauwi rito sa unit niya? I assumed this is his unit. Nasabi niya kaninang dito nakatira si Caroline pansamantala. Umikot ang tingin ko sa kwarto. Napansin kong karamihan sa mga kagamitin, kulay gray at itim. Puti naman ang kisame at pader. May sliding door papunta sa balcony h

