YUKI This year is the best year for me. Kung bakit? Well, maraming magagandang bagay lang naman ang nangyari sa akin. Hindi ko na siguro kailangan pang isa-isahin dahil baka aabutan ako ng isang dekada sa kakuwento. Yung mga pinakamaganda na lang siguro ang sasabihin ko. Unang-una, nag-iimprove na ng bongga ang mga grades ko kahit hindi mataas atleast walang below 85 sa lahat ng subjects. Pangalawa, naging maayos na kami ni kuya Kaiden pero yun nga lang may problema pa dahil nanliligaw pa rin siya. Pero pagkabalik na pagkabalik talaga namin galing vacation, sasabihin ko na sa kanya na may boyfriend na ako. Hindi ko alam kung paano ko sasabahin ang lahat na hindi siya masasaktan. I do really hope so. Isa rin sa pinakamagandang nangyari sa taon ko ay ang pag-aayos naming dalawa ni kuya G

