Yuki
"May sasabihin ako."
"What is it?" Sagot ni Casey mula sa kabilang linya. I called her to talk about something and ask her opinion. Kailangan ko ng may mapagsabihan ng nararamdaman ko at gusto ko ring malaman kung tama ako ng hinala. I'm confused these past two days. Nagtatalo ang isip at puso ko.
Sinabi ko kay Casey ang lahat. But I did not mentioned Rio's name. Mahirap ng sabihin sa kanya na si Kuya Rio ang taong tinutukoy ko. Delikado rin kasi minsan ang babaitang ito. No choice naman ako at siya ang tinawagan ko dahil expert daw siya kuno pagdating sa mga bagay na ganito. Kabaligtaran naman niya si Dionne na mangmang dito at tanging alam lang ay lumamon.
Nailayo ko ang cellphone sa tainga ko nang tumili si Casey pagkatapos kong sabihin sa kanya ang lahat. Actually, kanina pa siya impit na tumitili habang nagsasalita ako.
"Oh my Gee! Don't tell me in love ka na?!"
Natigilan ako sa simabi niya. Anong in love?
In love ako kay Rio?
No way! Hindi ako pwedeng mainlove sa kanya. God, kakakilala ko lang sa kanya tapos in love na agad?
That's ridiculous!
Pero.... ganitong-ganito rin ang nararamdaman ko noon kay---Hindi! Hindi ako in love. Hindi pwede!
Siguro gusto ko lang siya. Tama! Gusto ko lang siya. Mas acceptable pa iyon kumpara sa pagiging in love nu. Ilang araw ko pa lang siyang nakilala at hindi pa gaanong nakakausap.
"S-Sigurado ka? Agad-agad? Kakikilala ko pa lang sa kanya eh. Ibang usapin na kapag in love babaeng 'to!"
"Kaya nga may katagang 'love at first sight,' baklang 'to!" She hissed. I just rolled my eyes.
"Hoy, umamin ka nga sa amin bruha ka! Sino iyang lalaking 'yan?! Wala kang sinasabi sa amin ni Dionne." Matigas na usisa niya.
"Lalaki agad. Wala naman akong sinabing gender ah?"
"Duh! As if magkakagusto ka sa babae nu. Try to imagine na nakikipaghalikan ka kay Gina?"
Para akong maduduwal.
"Yuck!"
"O 'di ba, diring-diri ka? Kaya lokohin mong lolo mong panot. Huwag ako!"
Siguro kung nandito lang siya sa tabi ko ay inismidan na niya ako o kinurot sa tagiliran.
"'Di panot ang lolo ko uy. And he's dead already. Ipapamulto kita sa kanya. Nanahimik 'yong patay." Pananakot ko.
"Gaga! Expression lang 'yon. At gaga ka ulit, sino na kasi ang malas na lalaki na 'yan? Sabihin mo na." Pamimilit niya.
Napatawa ako.
"Secret. So ano na? Ano na ang sagot."
"Aba-aba may pa-secret ka pang nalalaman. Kala mo naman may matres."
"Fine! Basta, soon. Sasabihin ko. So ano na ang sagot mo?"
Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya bilang pagsuko. "Neither gusto mo siya o in love ka na sa kanya."
"Specific answer please."
"Walang specific na sagot kasi ikaw ang nakakaramdam at hindi ako? Kung sa akin lang, in love ka na sa taong 'yan."
"Hindi ako in love." Giit ko. Nalilito na ako.
"Ay ewan ko sayong bakla ka. Kambyerna ka. In Denial Padilla ka pa! Kung gusto mo lang siya, edi go. Pero sinasabi ko sayo, pinakamalapit pa rin sa in love ang gusto. Hindi mo namamalayan, unti-unti ka na palang nahuhulog."
Natigilan ako.
Tama nga kaya si Casey? In love na ba talaga ako?
Parang ang bilis kasi kung ganoon. Ugh! Hindi ko na alam ang iisipin.
Magtatanong pa sana ako kay Casey pero binabaan na ako ng bruha. Tinawagan ko siya ulit pero pinatay lang niya instead, nagsend siya ng message na lalandiin niya raw muna si Josh dahil nagtatampo raw sa kanya.
Napangiwi ako.
Anong lalandiin niya? 'Di ba dapat lalambingin? Bruha talaga kahit kailan.
Pagbagsak na hiniga ko ang sarili sa kama. Napahawak ako sa dibdib ko. Nakaramdam ako ng bukol.
O M G! May boobs na ako!
'Di, biro lang.
Pinakiramdaman ko ito. Parehong-pareho ito noon. Mas kakaiba nga lang ngayon. Parang malalim. Kakaiba. At parang nakakabaliw.
Hay, ewan!
PAGKAGISING ko kinabukasan, nasigurado ko na ang nararamdaman. Malinaw na gusto ko nga talaga si Kuya Rio at nasa point na parang naiinlove na nga ako.
Hindi ko naman masabi na in love ako sa kanya dahil kahit ako mismo, nalilito sa nararamdaman ko. Hindi ko matukoy kung ano at hindi ako sigurado. Pero isa lang ang sigurado ako. Masarap sa pakiramdam ang nararamdaman ko ngayon.
Napaisip ako. What if magpapansin ako kay Kuya Rio nang sa ganun mas makilala ko siya and at the same time, malaman ko ang totoong nararamdaman ko para sa kanya?
No no no! I would never do that. Magmumuhka ata akong desperada.
Pero dahil sa kalandian ng mga selyula sa katawan ko ay sinunod ko ang balak. Hindi ko mapigilan ang sarili ko.
Dala ang isang basong gatas, tinungo ko ng hardin ng bahay kung saan naroroon si Kuya Rio.
"Hi Manong Bert!" Binati ko ang hardinero namin pero ang tingin ko ay nasa kay Kuya Rio talaga na kasulukuyang dinidiligan ang mga bulaklak.
Grabe! Ang sexy niyang tingnan habang hawak ang hose lalo pa't nakasando lang siya.
"Magandang umaga rin sayo Yuki." Ani manong at nginitian ko naman siya.
Umupo ako sa isang sementong upuan na malapit sa akin at muling itinuon ang tingin kay Kuya Rio.
Paano kaya nagiging sexy ang lalaking 'to kahit nagdidilig lang? Kung nagsasalita lang marahil ang mga bulaklak ay nagtitili na ang mga ito nang dahil sa kanya.
Napansin marahil ni Kuya Rio ang presensya ko kaya napalingon siya sa kinaroroonan ko. Sumikdo ang malandi kong puso. Umiwas agad ako ng tingin. Gosh! Napaghahalataan ako. Ano ka ba naman Yuki!
"Kayo po pala sir Yuki. Magandang araw sayo." Napatingin lang ulit ako sa kanya nang batiin niya ako. Hindi ako snob at ayaw kong magmukhang rude. Atsaka, ito naman talaga ang ipinunta ko rito. Ang makita at makausap siya.
"M-Magandang araw din sayo Kuya." Ganti ko. Ngumiti siya at bahagyang yumuko bago ipinagpatuloy ang ginagawa. Ako naman ay naglupasay dahil sa kabang nararamdaman.
Pero biro lang. Exaggerated lang ako minsan.
Habang pinagpapatuloy ang pagdidilig ay panaka-naka naman akong tinitingnan ni Kuya Rio kaya panay din ang iwas ko. Kapag hindi siya nakatingin ay nakatingin naman ako sa kanya. Paulit-ulit iyon. At kapag nagkasalubong ang tingin namin ay ningingitian niya ako.
Para akong ice cream na nasa labas ng freezer. Natutunaw.
Naputol ang ganoong eksena nang tumunog ang aking cellphone.
What are you doing there?
It was Yuri's text message. Napataas ang kilay ko sa nabasang mensahe. Awtomatikong napatingin ako sa bintana ng kwarto ni Yuri.
And there, nakita ko ang ususirang kapatid ko. Nakasilip sa bintana. Nagtataka marahil sa akin dahil nandito ako sa likod ng bahay. Hindi din naman ako kasi nagpupunta rito ng ganito kaaga.
Wala lang. Why?
I send my reply to her and waited for her response. Pero hindi na siya nagmensahe at wala na rin siya sa bintana ng kwarto niya. Napailing na lang ako at nagkibit-balikat. Ang weird talaga ni Yuri kahit kailan. Ibinalik ko na rin sa bulsa ko ang cellphone.
Nang ibalik ko ang tingin kay Kuya Rio ay wala na siya. Tumayo ako at hinanap siya sa paligid.
Wala na nga siya. Tapos na siguro siyang magdilig kaya umalis na.
I sighed in dismay. Nakakainis naman!
"Sino pong hinahanap niyo Sir?"
Napakislot ako nang may nagsalita sa likuran ko. Nabitawan ko tuloy ang hawak kong baso dahilan para matapon ang laman nito. Muntik pa akong matapunan. Hindi naman ito nabasag dahil lupa ang kinabagsakan nito.
Mabilis akong yumuko para sana pulutin ang baso pero yumuko rin si Kuya Rio kaya nagbanggaan ang ulo namin pero hindi naman masakit. Siya ang nakakuha ng baso.
"Pasensya na po sir. Nagulat ko po kayo. Nabitawan niyo tuloy ang baso." Paumanhing wika niya nang makatayo kaming pareho sabay himas sa ulo niya. Hinimas ko rin ang akin.
"Okay lang Kuya Rio." I said almost whispering. Pinagalitan ko ang sarili ko. Pabebe lang eh.
"Pasensya na talaga kayo Sir, ipagtitimpla ko na lang kayo ulit." Sabi niya at nagmamadaling umalis. Pipigilan ko pa sana siya kaso hindi ko na naituloy. Ang bilis kasi nang naging paghakbang niya.
Sinundan ko na lang siya sa kusina. Naabutan ko siyang nagtitimpla ng gatas habang kausap si Ate Sandra.
"Ikaw pala Yuki. Magandang umaga."
Napalingon naman sa akin si Kuya Rio at agad na lumapit sa akin para ibigay ang basong may laman ng gatas. Nakangiting inabot niya ito sa akin.
Hindi ko na sana tatanggapin pero dahil siya ang nagtimpla, tinanggap ko ito. Hindi tuloy maiwasang kiligin ng malandi kong puso.
"NAKAKAINIS naman 'to eh!" Reklamo ko sabay lukot sa papel na pinangsulatan ko. Mali kasi ang pagkakasolve ko ng isang problem. Kailangan ko na namang umulit. Nakakafrustrate na talaga.
Bakit pa kasi ito ang pina-assignment sa amin? Ano naman kasi ang malay ko rito. Bakit pati ang science, may solving pa?
Jusko! Parang Math lang itong Physics eh. Napakaraming formula and what not. Sana Math na lang din ang itinawag dito kung ganoon lang din naman.
"Nakakainis talaga!" Naiinis na tinapon ko sa basurahan ang nilukot na papel.
Nandito ulit ako sa garden. Hapon na ngayon at dito ko naisipan gawin ito. But I did not came here to make "papansin" to Kuya Rio. Gusto ko lang kasi dito gumawa ng homework dahil nakakabawas ng stress ang mga tanim sa paligid. That's what I realized.
Pwede rin naman akong magpaturo kay Kuya Rio dahil pihadong alam niya ito pero pinili ko na lang na hindi.
Hanggat kaya ko, ako na lang muna. Pero ewan ko lang kung kaya kong humingi ng tulong sa kanya. Sobra akong nahihiya.
Kumuha ulit ako ng papel at nagsimulang mag-solve. Kalahating oras na akong nandito pero hindi ko pa rin nasasagutan kahit ni isang problem. Hindi ko alam kung saan ako nagkakamali. Sa formula ba na ginagamit ko o mali lang ang lumalabas na sagot sa calculator, o baka nga ako lang talaga ang mali? Kainis! Ang bobo ko talaga!
"Mali kasi 'yang equation na ginamit niyo kaya hindi niyo makuha ang sagot, Sir Yuki."
Napahinto ako sa pagsusulat nang may nagsalita sa likuran ko. Agarang kaba ang naramdaman ko dahil alam ko kung sino ang nagmamaay-ari ng boses.
"Hindi naman sa nagmamagaling ako Sir pero mali kaai talaga. Hindi niyo makukuha ang sagot. Pasensya na sa pangingialam, aalis na ho ako."
Mabalis akong napalingon sa kanya at pinigilan ko siyang umalis.
"Wait!"
Huminto siya at bumaling ng tingin sa akin.
He's right. Mali nga talaga ang equation na ginamit ko. Kailangan ko na ang tulong niya dahil baka mabaliw na ako at aabutan ng siyam-siyam, hindi ko pa nasasagutan ang mga ito. Kakalimutan ko muna ang nararamdaman ko sa kanya. Para sa kinabukasan ko. Naks!
"Bakit Sir Yuki?" Tanong niya.
"Pwede niyo po ba akong turuan ?" Nahihiyang tanong ko sa kanya. Napangiti siya.
"Sige sir. Walang problema." Tugon niya at umupo sa katabing upuan ko. Ang lapit niya sa akin dahilan para magwala na naman ang buong sistema ko.
Ang gwapo pa rin talaga niya kahit pawisan na siya. And still, he smells good. Gee! Parang amoy perfume ang pawis niya.
Promise.
Hindi iyon exaggerated ha. Totoong mabango talaga siya.
"Ibang equation ang ginamit niyo Sir. Dito sa isa, tama naman siya pero kailangan niyo munang i-derive. Ganito 'yon..." kinuha niya ang ballpen at papel sa mesa at nagsimula siyang magsulat.
Hindi ako nakikinig sa tinutro niya o kahit tumitingin sa papel bagkus sa mukha lang niya ako nakatutok. Kahit na hindi mapakali ang katawan ko, umuusog ako at nilalapit ang mukha sa kanya. Hindi naman ganoon kalapit, inaamoy ko lang siya. Ang bango-bango kasi.
"Nakuha niyo ba?" Ilang sandali pa'y tanong niya. Nang tumingin siya sa akin ay nahuli niya akong nakatingin sa kanya. Mabilis namang nag-init ang pisngi ko. Lumayo siya sa akin at umusog ng kunti.
"Eh Sir, huwag naman kayong masyadong lumapit sa akin baka maamoy niyo ako. Pawisan ako Sir."
"H-huh?" Nabigla ako sa sinabi niya. "H-Hindi ka naman mabaho Kuya. In fact, ang bango mo nga e." Mahina ang pagkakasabi ko sa huling pangungusap pero alam kong narinig niya iyon. Gosh! Bakit naman kasi lumabas iyon sa bibig ko? Nakakahiya!
Hindi siya sumagot at napakamot lang sa batok niya. I saw him blushed.
Hala! Totoo? 'Di nga?
"Ahm... Eh... Nakuha niyo na ba ang sagot Sir?" Parang nahihiyang tanong niya sa akin.
Umiling ako.
"Pwede niyo po bang ulitin Kuya Rio?"
'Yan kasi, inuuna ang landi.
"Sige sir. Ulitin ko na lang." Tinuruan niya ulit ako pero nilalayo na niya ang kanyang katawan na mapalapit sa akin. Marahil nahihiya na siya dahil alam niyang pawisan siya.
"Nakuha niyo na ba Sir?" Nagtanong ulit siya matapos ituro sa akin lahat.
"Ah eh... medyo na Kuya. Pero nalilito pa rin ako sa transpositions eh."
Ang totoo niyan, kanina ko pa nakukuha ang tinuturo niya. Magaling kasi siyang magturo. Detail per detail. Nagdadahilan lang talaga ako para tumagal pa siya sa tabi ko.
Malandi na kung malandi.
"S-Sige sir. Ituturo ko ulit. Pero pwede munang magbihis. Amoy pawis na kasi ako eh. Nakakahiya sa inyo."
"Don't worry Kuya Rio hindi talaga kayo nangangamoy, promise. Ahm... Kung gusto niyo hiramin niyo muna itong towel ko." Sabi ko sabay kuha ng towel sa tabi ko at inabot ito sa kanya. "Hindi ko pa 'yan nagagamit."
Tumango siya at inabot sa akin ang towel na nakangiti. Agad niyang pinunas iyon sa mukha niya, sa dibdib niya at huli sa likod niya. Ilalagay niya sana roon pero nahihirapan siyang ayusin ito.
"Here Kuya, let me help you."
Tumayo ako at inayos ang towel sa likod niya. Pagkatapos kong maiayos iyon ay muli akong umupo sa upuan ko.
Noon ko lang napagtanto ang ginawa ko. Why did I do that? Nahawakan ko pa tuloy ang bakat sa likod niya.
Ang lagkit ng pawis niya pero hindi man lang ako nandiri.
Goodness grace Yuki! Ano bang pinaggagagawa mo?
"Thank you Sir. Nakakahiya naman sa inyo."
I smiled. Pero sa loob-loob ko, sumasabog na ako.
"Okay lang Kuya."
Muli niya akong tinuruan hanggang sa matapos namin ang lahat ng problem. Sinagutan niya lang ang ilan sa mga ito then ang kaparehong mga problems ay ako na ang pinasagot niya. Ginagayd lang niya ako at kinokorek kapag mali ang sagot ko.
Halos isang oras na siya sa kakaturo sa akin. Though nakukuha ko na talaga ang mga sagot, nagpapanggap lang talaga ako para tumagal siya rito sa tabi ko.
Nagmumukha na akong desperada.
Hindi ko naman ito plinano eh. Nakatakda na itong mangyari. Umaayon lang sa akin ang panahon. I guess?
Naging paraan ang mga assignment na ito para magkaroon ako ng oras na makasama si Kuya Rio. Angel in disgusie kung baga. Hindi ko na isusumpa ang physics kailanman.
Atsaka ngayon lang naman ako naging malandi eh. But not to the point na lalandiin ko na talaga siya. Hindi lantaran iyong mga ginagawa ko. May delikadesa pa rin akong bakla at hanggang doon lang ako. I know how to respect myself.
"Thank you for the help Kuya. I really appreciated it. Marami akong natutunan sayo. Naiintindihan ko talaga ang mga itinuro mo. Mas magaling ka pa ata magturo sa teacher namin eh." Hirit ko.
"Walang anuman Sir. Kung gusto niyong magpatulong sa akin , tawagin niyo lang ako." Saad niya na ikinangiti ko.
Siya na ang lumalapit kaya igagrab ko na ito.
"Sure kuya Rio. Thank you again."
Siya naman ang ngumiti. Lumabas ang mapuputi at pantay niyang ngipin.
"Alis na Ako sir. May gagawin pa kasi ako." Paalam niya. Tumayo na siya at umalis. Inihatid ko siya ng tingin hanggang sa mawala siya sa paningin ko.
Hindi na nawala ang ngiti sa labi ko.
I'm happy.
Sa kaunting oras na kasama ko siya, pakiramdam ko nasa cloud nine ako.
That feeling... Hindi ko na gustong mawala pa.
***