YUKI Masaya na ako para kina Janna at Kuya Yue dahil naayos na nila ang tungkol sa kalagayan ng pamangkin kong si Yunho. Alam na rin ito nina Mom at Dad at ng mga kapatid namin ni kuya Yue. Hindi nga makapaniwala ang mga ito na may anak na si Kuya Yue nang ipaalam namin ito sa kanila. Pero kalaunan, tuluyan na ring naniwala at sobrang init pa ng pagtanggap ng mga ito kay Yunho at halos hindi na nga mahawakan ni kuya ang anak niya. Nasa iisang tirahan na sina Kuya Yue at Janna ngayon. Nagsasama na sila para sa anak nila. Hindi rin nakatanggi ang dalawa nang humiling si Yunho. Gusto lang talaga ng pamangkin ko ng isa at buong pamilya. I hope someday magkakabutihan silang muli like before. Alam kong mangyayari 'yon dahil nararamdaman ko na mahal pa nila ang isa'

