YUKI "Sige na Yuki, magwish ka na." Nanatiling nakatitig lang ako sa kanya habang ramdam ko ang paglandas ng mga luha sa pisngi ko. Itinaas niya pa ng kunti ang cake ngunit hindi pa rin ako kumikilos. "Ihipan mo na ang kandila Yuki, maawa ka naman sa kamay ko. Nangangalay na ata oh." Pabirong sabi niya at tumawa pa. Napabuntong hininga siya dahil sa hindi pa rin ako kumikilos. Inilapag niya sa mesa ang cake at... nabigla ako sa sunod na ginawa niya. Niyakap niya ako. Nanigas ako sa aking kinatatayuan. Kasabay nito ang pagbilis ng t***k ng puso ko. Lahat ng pakiramdam ko noon ay biglang naramdaman ko ngayon dahil sa pagyakap niya sa akin. "Miss na miss na kita Yuki." Hindi ko masyadong naintindihan ang sinabi niya dahil sa halos pabulong

