Yuki When I turn my back, I saw how his smile plastered on his face. Hindi ko alam kung narinig niya lahat ng sinabi ko. I wish the ground would open up and swallow me. "K–Kuya. Kanina ka pa ba diyan?" Kinakabahang tanong ko sa kanya. Tumango siya bilang tugon. Lupa, lamunin mo na ako ngayon. As in, ngayon na! "Gusto mo rin pala ako Sir Yuki?" Pakiramdam ko para akong mauubusan ng hangin sa katawan. Ibig sabihin ay narinig niya ang lahat? Parang naitulos ako sa kinatatayuan ko. Nakangisi pa rin siya habang nakatingin sa akin. Pati ang mata niya'y nakangiti rin. "Para sa pagkakaalam mo Sir Yuki, walang namamagitan sa aming dalawa ni Janna. At 'yong pinagsasabi mong may asawa't anak na ako, nagkakamali rin kayo. Namisintepret mo lang ata ang pagtawag sa akin ni Andy ng Papa e?

