Jairus "SHE'S PERFECT, right?" Agad akong napalingon sa boses na iyon. May part pa rin sa sarili ko ang natatakot sa tuwing mag uusap kami. Pero kailangan kong ipakita sa kanya ang katatagan ng loob ko. "Sir," tinanggap ko yung baso na iniabot niya sa akin. Binigyan niya ako ng makapanigdig balahibong ngisi and I hate it. Para akong titiklop sa kanya. The great Atty. Johannes Morales. Sino ang hindi matatakot sa isa sa kinikilala at kinatatakutang prosecutor ng bansa. "You used to call me papa back then, son." Nanatili lang akong tahimik habang pinagmamasdan si Freya at si Tita Maggie na nag kukuwentuhan, beside them was Noah and Naomi na attentive din nakikinig while Tita Lana was nowhere to be found. I'm sure masakit sa kanyang tignan ang

