Freya NANGINGINIG ako. Hindi ko alam kung sa sobrang galit o sa sobrang tuwa ba. May God! After all this time, Jairus has given me a lot of sacrifices. Sa lahat ng ikinuwento sa akin ni Noah tungkol sa kanya wala man lang doon ang pagiging pagkamakasarili. Malinaw na sa utak ko na ang lahat ng ginawa niya ay para din sa sarili kong kapakanan. Nagagalit ako sa sarili ko, kung bakit hindi ko man lang nakita ang lahat ng kabutihang iyon ni Jairus. At mas nagagalit ako sa sarili ko kung bakit mas pinag katiwalaan ko si Denise over him. Si Denise, na walang ginawa para paikutin ang ulo ko at lamnan ng galit ang isip at puso ko para sa lalaking walang ginawa kundi ang unahin ang ikasasaya ko. "He suffered a lot, Freya.." Napapikit na lang ako sa tuwing babalikan ko ang si

