Own Me, Mr. Playboy! Chapter 26 "WHEN is that pageant, anyway?" Itinawalag ni Catriona ang atensyon niya mula sa DNA paternity test result na ibinigay sa kanya ni Trever na kanyang binabasa ngayon. Actually kagabi pa niya hawak ang papeles na iyon pero nawiwili siyang basahin iyon ng paulit-ulit. "Next Saturday na." Tugon niya sa binata na nasa driver seat. Patungo sila ngayon sa kompanya nila Trever dahil wala naman siyang gagawin sa araw na iyon kaya sasama na lang siya sa opisina ni Trever. "That so? I'll contact F. Serano to handle you and M. Cinco to give you the best of the best night gown to wear on that pageant." He cooly stated like it was one of the usual thing to suggest or to offer. "What? Hindi na kailangan 'no. Ang exaggerated mong supporter." Swabeng pagtanggi ni

