TW: Mention of rape. Hindi ako makapaniwala at nanatiling tulala kay Sullivan hanggang sa hatakin niya ako papunta sa stage. Binati siya ng mga kaibigan niya pero tila na hindi pa rin nagsi-sink in sa isip ko ang lahat ng nangyari. Maraming tumatakbo sa isip ko ngunit isa lang ang namamayaning emosyon sa aking dibdib, masaya ako. "Congratulations," nakangiting bati ni Onyx at inabot sa akin ang kumpol ng puting rosas. Nangingiti ko 'yong tinanggap at pinasalamatan siya. Niyakap ako ni Kerrin, at halos piratin ako ni Colton sa sobrang panggigil niya sa akin. Natigil lang 'yon nang ilayo siya sa akin ni Sullivan at sinamaan siya ng tingin. "You can congratulate her without physical contact," seryosong saad ni Sullivan at hinila ako paputa kina Tita Aileen. Mabilis niya akong niyakap at ma

