When I was a kid, I always promised myself that once I became a mom, I would never let my children feel alone in times when they needed me. I will always make myself available for them and let them feel the love that was taken away from me when my parents left me at a young age.
But that's not what happened because I was forced to live without my daughter by my side just to take care of his father, who didn't remember us. Naalala ko pa noong pinagbubuntis ko ang anak ko. Sullivan was comatose at the time. Iyon ang naging katumabas ng ginawa nilang proseso para maibalik ang ala-ala niya. Nagtagal 'yon hanggang sa makapanganak ako, and worst of all, of all people, I was the only person he couldn't remember.
He knows his parents and friends except for me. He remembers everything but me. Gusto kong magtanim ng sama ng loob. He was diagnosed with selective amnesia, in which the patient suffered from losing some parts of his memory, and unfortunately, it was me who had been forgotten.
The process in which he has undergone before falling into comatose is overview electroconvulsive therapy (OVT), in which the procedure was done to pass small electric currents through the brain that intentionally trigger something in his brain. This is usually used in psychiatric treatment, and I don't have any idea where Tita Kris got the choice to have his son undergo this kind of treatment.
I admit it was dangerous, but I felt relieved when somehow he was able to remember his family. Kahit naman ako lang ang hindi niya naalala ay masaya pa rin ako dahil nakaalala siya.
Ilang araw ang lumipas at nawala na naman si Sullivan. I know he's just dealing with something right now, but I couldn't help but overthink.
Pumunta kaya siya sa babae niya at doon nag-stay? Habang lumilipas ang araw ay hindi ko maiwasang mag-isip ng mas malala pa roon. Sullivan clearly wants me out of his life; that's why he would do everything to get rid of me.
Kaysa magmukmok ay nilibang ko ang sarili ko sa pagsusulat ng kanta. I don't know what I'm writing anymore, but I just jot down any ideas that occur in my mind. Halos hindi ko na namalayan ang oras dahil sa pagsusulat. Nang tignan ko ang orasan ay alas-dos na at hindi pa rin ako nakakapagtanghalian.
Simula nang maaksidente si Sullivan ay wala na akong naging maayos na habit sa pagkain, except when I was still pregnant. Minsan ay isang beses na lang ako kumakain sa isang araw, mayroon din namang time na hindi na talaga ako halos kumakain tulad noong pumunta kami ni Sullivan sa kanyang gig.
I sighed as I placed the homemade pizza inside the microwave. Ayon lang ang naisipan kong lutuin na madali at mabilis maubos. I glanced at the door, my mouth agape, when I saw Sullivan entering the kitchen. Halatang pagod siya at kulang sa tulog. Nakikita ko rin mula sa kinatatayuan ang malaking bilog na itim sa ilalim ng mata niya.
He looked at me and darted his eyes behind me. He sighed, placed his blazer on the chair, and went to the fridge to get his water. Pinagmasdan ko ang likod niya gumalaw habang naghihintay na matapos ang pizza ko. He looked at me when he noticed my stares. Tumaas ang kilay niya at pinukulan ako ng nagtatanong na tingin.
"What?" iritado niyang sabi. Umiling ako at pinagmasdan na lang ang pizza sa microwave. Bakit parang ang tagal?!
Naramdaman ko ang presensya ni Sullivan sa tabi ko. He cornered me by his arms and inched our gap. I looked at him and gulped. Nakakalunod ang mata niya at halos mahalina ako sa mabangong amoy niya.
He stared at me intently, and his eyes went down on my lips. "Next time if you'll use this microwave, you have to press the timer first," bulong niya at may pinindot sa microwave. Nagulat ako nang may mapagtanto. Hindi ko pala na-set ang timer, pero kanina pa ako naghihintay.
Iniwan ako ni Sullivan sa kusina at umakyat sa kwarto. I decided to create another pizza for him; I'm sure he'll like it. He loves eating my homemade pizza, lalo na kapag maraming sahog 'yon na cheese. Hinintay kong matapos ang lahat bago nilagay sa tray. Nagtimpla rin ako ng orange juice at umakyat sa kwarto. I saw Sullivan preparing to sleep, but he stopped when he saw me struggling to close the door because I was carrying the tray. Inutusan niya akong pumasok na at siya na ang nagsara ng pinto.
"Nagugutom ka ba? I cooked pizza for us; baka gusto mo lang," mahinang sabi ko at pinatong sa lamesa ang mga pagkain. Hindi niya ako pinansin at umismid lang. Binagsak niya ang katawan sa kama. I noticed that he's not wearing his shirt, kaya agad kong kinuha ang remote at hininaan ang air con. Nilapitan ko siya at bahagyang tinapik ang kanyang likod; nakadapa kasi siya sa kama.
"Sullivan, kain ka muna.
"I'm tired, okay? Just eat that trash and don't bother my sleep," narinig kong saad niya.
Napabuntong hininga ako at umupo sa gilid. I could feel my stomach aching. Ramdam ko na ang pagkagutom, pero mas nag-aalala ako na baka hindi pa rin nakakakain si Sullivan. Kinuha ko ang isang plato at pinatong 'yon sa may side table. Pinilit kong pinatihaya si Sullivan. Nagdilat naman siya ng mata at masama akong tinignan.
"Tikman mo lang, please?" pakiusap ko at inabot sa kanya ang tinidor. Naiirita siyang sumandal sa kama at padabog na inabot ang tinidor. I guess he's really tired to even shout at me, kaya sinunod niya na lang at kumuha ng pizza. Naiinis na nilapag niya ang tinidor dahil nahirapan siyang kunin ang pizza. Napanganga na lang ako nang kuhanin niya ang pizza sa plato nang hindi gumagamit ng tinidor at kinagatan 'yon.
I watched him swallow the food I cooked. Parang may bulating naggagalawan sa tiyan ko habang pinapanood siyang ubusin ang pagkain na hinanda ko.
"Satisfied?" salubong ang kilay na saad niya. Ngumiti ako at inabot sa kanya ang isang baso ng juice. Inisang inuman niya lang 'yon at inabot sa akin. "Kumusta ang lasa?"
He licked his bottom lip and stared at me. Medyo nakunsensya ako dahil talagang mukhang pagod siya. Wala sa sarili kong inayos ang buhok niyang nalaglag sa kanyang noo at pinakatitigan siya. "It tastes fine."
Tumango ako at hinatak siya para makahiga ng maayos. I tucked him in bed and kissed his forehead. Natuwa ako nang hindi siya umalma at pumikit na lang para makatulog. I felt like I was floating in the clouds while eating my pizza. Pinapanood ko siyang matulog habang kumakain. Napagdesisyunan ko na lang na manood ng TV habang natutulog siya. I lowered the volume and watched some K-dramas.
I was crying while clutching my chest. Ang bigat ng dibdib ko at puno ng sama ng loob "I hate you," bulong ko nang fl-in-ash sa screen ang names ng director at writer sa screen ng k-drama na pinanood ko. The male lead died because of an accident! Habang ang babae naman ay nakahanap ng ibang lalaki na nagpasaya sa kanya sa dulo. Umiiyak kong pinatay ang TV at tumabi kay Sullivan na tatlong oras nang natutulog. I hugged his body and buried my face in his chest. Pakiramdam ko ay sa aming dalawa nangyari ang nasa palabas kaya hindi ako maka-get over.
Naramdaman ko ang paggalaw ni Sullivan ngunit nanataling nakabaon ang ulo ko sa dibdib niya at umiiyak. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ngunit naramdaman ko ang paglapat ng malapad niyang kamay sa ulo ko. Hinaplos niya ang buhok ko at naramdaman ko ang pagdampi ng labi niya sa ulo. I cried harder as I realised that I was daydreaming again just to feel his love for me. Sinulit ko na lang 'yon hanggang sa naramdaman ko ang pagbigat ng talukap ng mata ko at nakatulog.
Nagising ako na madilim na sa labas. Nagmamadali akong bumababa at nakita roon si Sullivan na nagpe-prepare ng hapunan. I already expect him to cook for himself, but nagulat ako nang makitang marami 'yon.
"Good evening, S-Sullivan," bati ko at umupo. He went inside the kitchen again, and when he came out, he was already holding a pitcher of water. Umupo siya sa tapat ko at nagsimulang maglagay ng pagkain sa plato niya. Inaasahan ko na na hindi niya ako lalagyan, pero nasaktan pa rin ako nang ibalik niya ang sandok at nagsimulang kumain nang hindi ako binabati.
I eat his food and savour it. Minsan lang magluto si Sullivan, kaya susulitin ko na. Kaunting kanin lang ang nilagay ko sa plato at mas marami pa ang ulam. I saw Sullivan watching every move I made. Nginitian ko siya at nakitang paubos na ang kanin niya, kaya dahan-dahan kong nilagyan ng kanin ang plato niya. Hindi siya nagsalita at nagpatuloy na lang sa pagkain.
Matapos kumain ay ako ang nagpresintang maghugas ng plato. He didn't complain and just walked upstairs. He's probably going to shower and start his work. Nang matapos ko ang paghuhugas ng plato ay umakyat na rin ako sa kama. Hindi ko nakita si Sulliva sa kwarto at sa banyo. Sinubukan ko siyang hanapin at nakita ko siya sa veranda na may kausap.
Parang may batong dumagan sa dibdib ko nang makitang may kausap siya sa phone. Is it his mistress again? Ngayon na nga lang siya umuwi ulit, pero hindi niya pa mabigay ang atensyon sa akin.
"Yeah, I'll go there tomorrow," Sullivan said, hanging up the phone. Tumalikod siya at bahagyang natigilan nang makita akong pinapanood siya. He tsked and was about to pass by me, but I held his hand and stopped him.
"What the f**k is wrong with you, woman?"
"S-Sino 'yung kausap mo?" nanghihinang saad ko. Naiiyak ko siyang tinitigan.
"It's none of your f*****g business."
"A-Asawa mo ak—
"Don't f*****g mention that again if you don't want me to throw you out of this house," putol niya sa sasabihin ko at nilagpasan ako. Hindi pa siya nakuntento at binagga muna ang balikat ko.
I sighed and raked my hair with my fingers. Nagpalipas muna ako ng oras sa may veranda bago pumasok ng kwarto. Sullivan was resting on his swivel chair while facing his laptop. Nangunot ang noo ko nang mapansin ang pulang marka sa dibdib niya. He's only wearing his sando, and the red marks were visible. Nakadapa siya sa kama kanina, kaya hindi ko masyadong napansin. Lumapit ako sa kanya at napasinghap nang makitang may isang parte kung saan pahaba ang marka.
"S-Sullivan, anong nangyari riyan?" nag-aalalang tanong. He stilled. Hindi siya kaagad nakagalaw. Lumapit pa ako lalo sa kanya at tumayo sa kanyang gilid. Ang tanga ko dahil may nakita rin akong pasa sa bandang itaas ng noo niya na hindi ko na kita. I couldn't clearly see it because his hair was covering it.
"Just don't mind it," saad niya at tumayo. Tinangka niyang umalis, pero mabilis kong nahawakan ang braso niya at hinarap siya. I don't know if I just have enough strength to do this, but I ignore the fast pace of my heart. I traced the marks on his chest. Tinignan ko muna siya at nakita ang seryoso niyang mukha. He doesn't seem mad.
"What happened to this?" I asked as I traced the red mark visible beneath his cotton sando. Tinaas ko ang damit niya at mas napasinghap ako nang makita ang napakaraming marka ng suntok at latigo. Sullivan remained quiet while watching my reaction. Tinignan ko siya at nakita ang pag-aalinlangan sa mata niya.
"S-Sullivan..." I was sure that it happened after he left the house. Wala pa ang mga ito noon at halatang sariwa pa ang iba. Hinatak ko siya paupo sa kama at naglabas ng first aid kit. Nangingilid ang luha kong nilabas ang mga panggamot.
"Anong nangyari? Alam na ba 'to nila Tita Kris?" umiiyak na saad ko at pinahiran ng ointment ang ilan niyang mga pasa. I was still when he touched my hand. I looked up at him and stared at his eyes. Gumalaw ang isang kamay niya at pinunasan ang mga luha kong nalaglag.
"You were crying since earlier; what the hell is your problem, huh?" mahina ngunit madiin niyang tanong. Umiling ako at kinuha ang maliit na bandage. Tinapos ko ang paggamot sa mga sugat niya, kahit na ang iba roon ay pagaling na.
"Gusto mo ba pumunta tayo ng hospital? Baka ma-infection ang sugat mo."
"I'm fine."
Saglit kaming natahimik na dalawa. Tinitigan ko siya at hindi ko maiwasang muling mapaluha sa nangyari sa kanya. I wanted to ask what really happened, but I knew that he wouldn't talk. Bumalik na siya sa trabaho pagtapos no'n habang ako ay bumaba para magluto na ng hapunan namin.
Sullivan likes eating vegetable dishes. He rarely eats meat and pork because he's also health-conscious. Simula nang makilala ko siya ay mas tinutukan ko ang pag-aaral ng pagluluto sa mga pagkain na gusto niya.
Matapos kong magluto ay naghain na ako para kumain. I walked upstairs, and I saw him still busy typing on his laptop.
"Mamaya na 'yan, let's eat first."
He didn't move. I sighed and walked in his direction. Hindi manlang niya ako tinapunan ng tingin.
"Sullivan..." tawag ko sa kanya. Nakita ko ang pagdaan ng iritasyon sa mata niya. He glared at me when I touched his hand.
"Can't you f*****g see that I'm working?
Natakot ako sa biglaang pagsigaw niya, ngunit nanatili akong nakatatayo sa harap niya. "B-Baka malipasan ka ng—"
I was forewarned when he grabbed the vase beside him and threw it in my direction. Nanghina ang tuhod ko at halos mapaupo sa kinatatayuan nang makita ko ang nagkalat na basag. He looked at me, and this time, his eyes were filled with rage. It was familiar. Ganitong-ganito ang mga mata niya noong una kaming nagkita.
Akala ko ay magtutuloy-tuloy na ang pagiging mabait niya sa akin ngunit hanggang doon lang pala 'yon. Umatras ako nang bigla siyang tumayo. Hindi ko na namalayan na naapakan ko pala ang isang bubog malapit sa akin ngunit hindi ko na iyon nainda nang biglang hatakin ni Sullivan ang kamay ko.
Napaigik ako sa sakit sa braso at paa. Galit na galit ang mga mata niya na tila ba may malaking kasalanan akong ginawa sa kanya. "I told you not to act like my freaking wife," he said under his heavy breath. I closed my eyes as tears started to fall. Nanginginig ang mga tuhod ko ngunit hindi ko magawang matumba dahil sa mahigpit ang hawak niya sa kamay ko at nadadala ako.
"The next time you meddle with my life, you'll face your death. Do you understand? Sable, I'm just being patient with you because my parents like you for me, but that doesn't mean you can have me control in your palm. You're just like a trash that wanted to try its luck so I could bring you with me. You mean nothing, do you understand that?" Bumigat ang paghinga ko kasabay ng panlalabo ng mata. Hindi ko na napigilan ang sarili at lumipad ang kamay ko sa pisngi niya. He was still. Nagulat siya ginawa ko.
Nag-umpisa akong humikbi at pilit na tinanggal ang kamay niya. "I hope the old Sullivan is here so he can hear what his new self is saying to his beloved wife," umiiyak na saad ko. "Sa tingin mo ba ginusto ko rin na makulong—makulong sa kasal na ito? You know that I still tried to talk to Tita kasi baka h-hindi naman ito ang best solution para sa nangyayari pero nandito pa rin ako at pinagtiisan lahat ng ginagawa mo na 'yo... pero hindi mo maalis na asawa mo rin ako. "
Umatras ako sa kanya, kahit na ramdam ko ang dugong dumadaloy sa paa ko. Puno na ng luha ang mukha ko dahil sa patuloy nitong pagpatak. "I'm here, not just as your maid, but I'm your wife, Sullivan. Bakit hindi mo makita 'yon?"
"I don't love you; is that not enough reason for that?"
Pakiramdam ko ay pinagbagsakan ako ng langit at lupa sa sinabi niya. He looked unbothered while saying those words. Naramdaman ko ang pagkirot sa dibdib ko at pagsuko ng maliit na pag-asa sa puso ko.
"But I love you, and that's enough reason for me to fight for you."
"You're being selfish. I don't love you, and that's enough reason for me to not take this marriage seriously," pagtatapos niya sa usapan at naglakad paalis ng kwarto... paalis sa akin.
Dahan-dahan akong napaupo sa sahig na puno ng bubog at doon umiyak. I clutched my chest and cried while his words kept echoing in my mind.
Akala ko utak lang ang nakakalimot, puso rin pala.
Maga ang mga mata ko kinabukasan nang magising ako. Sullivan had already left for work, and I was left in our house alone. Pakiramdam ko ay wala akong gana sa lahat ngayon. Kahit ang kumain para sa umagahan at tanghalin ay hindi ko maramdaman na importante.
Tumambay lang ako sa ka may garden at inisip ang mga salitang sinabi ni Sullivan. If Tita Kris agrees to tell Sullivan that we are doing more than just fixing our relationship, maybe things will go better. Ang kaso, maniniwala naman kaya si Sullivan na may relasyon kami dati at mahal niya ako? I doubt it. He wants me out of his life. That's all.
Hindi ko alam kung anong nagtulak sa akin para puntahan si Sullivan sa office niya. I just want to see him and watch how he works, like I used to do before. Masakit ang paa ko at hindi rin ako nakakalakad ng maayos dahil sa sugat ng bubog kagabi. Hindi naman gano'n kalaki ang sugat, pero masakit pa rin lalo na at nakausot ako ng flat shoes. Naghanda rin ako ng pagkain para sa kanya at sinigurong mainit pa ito para magustuhan niya.
Halos malula ako sa taas ng building ng kompanya ni Sullivan nang makarating ako roon. It wasn't my first time going here, but I always felt a surreal feeling whenever I stepped in. Binati ako ng guard na kilala na ako dahil madalas akong magpunta rito noon. Some of the employees looked at me in shock; they probably didn't expect me to come. Pumunta ako sa VIP elevator papuntasa opisina ni Sullivan. Nasa akin pa rin kasi ang card nito na binigay sa akin noon ni Sulkivan.
Nang makarating ako sa floor niya ay agad akong naglakad palapit sa nag-iisang pintuan doon kung nasaan ang opisina niya. This entire floor is Sullivan's office. Kahit matagal ko nang alam 'yon ay namamangha pa rin ako.
Pinihit ko ang doorknob at hindi pa man ako nakakapasok ay may narinig na akong boses ng mga tao roon. I froze when I heard the familiar voice of a girl. Tuluyan ko nang binuksan ang pinto, at nakita ko kung saan nanggagaling ang ingay.
It was her... Anika. The girl he likes. Dumako ang tingin ko sa kanya at nakita siyang nakaupo sa desk ni Sullivan. Her legs were crossed while she was wearing a fitted dress. Nanuyo ang lalamunan ko at si Sullivan naman ang tinignan. Ang ngiti niya ay unti-unting nawala nang makita ako. May naramdaman pa akong tao sa loob ng office niya dahil naramdaman ko ang tingin nila sa akin ngunit nagmamadali kong sinarado ang pinto at tumakbo palabas.
I ran towards the elevator and pushed its button. Nakita ko ang pagbukas ng pinto ng opisina, pero bago ko pa makita kung sino ang lumabas ay sumara na ang elevator. I sat on the cold floor and held my chest. I cried like a lost girl. Nang bumukas ang elevator ay nagmamadali akong lumabas ngunit malakas at malamig na hangin ang humampas sa mukha ko kasabay ng pagbuhos ng ulan.
Tila wala na sa akin kung magkasakit man ako, makaalis lang ako sa building na ito. Sullivan was gone for a week and came back to me with lots of scars, and he's cold as ice. Tapos gano'n lang ang maabutan ko matapos ko siyang bisitahin sa opisina?
I decided to just forget his words, but now... I just want to rest and forget him for a while. Masyado nang malalim ang sugat na tinatanim niya sa akin at natatakot ako na baka sukuan ko na siya.
Umangat ang tingin ko sa langit. Even the sky was crying for me too. Natatawa akong lumakad paalis ng lugar, doon ko lang naramdaman ang sakit ng sugat ko sa paa dahil sa ginawa kong pagtakbo, but the scars he imprinted in my heart were more painful than that.