Camilla's P. O. V. "Argh kainis!" bulyaw ko sabay taklob ng kumot sa mukha ko. Matapos ang pangyayaring iyon, pagkauwi ko sa apartment ay hindi na ako nakatulog ng maayos. Naiisip ko kung paano ako hinalikan ni ninong Gray at hinawakan ang maselang parte ng katawan ko. Ewan ko ba kung bakit hindi ko nagawang magpumiglas na para bang natunaw akong bigla at hinayaan siya sa ginawa niya sa akin. Ganoon ba talaga kagaling ang ninong Gray ko na iyon kaya lahat ng babae ay talagang matutunaw o nanghihina kapag siya na ang gumalaw? Pakiramdam ko nga ay magkalapat pa rin ang labi namin at hawak- hawak niya pa rin niya ang maselang parte ng katawan ko. "Hay, nakakainis! Hindi na ako makatulog..." bulong ko sa aking sarili nang tingnan ko ang oras sa aking cellphone. Ala una na ng madaling araw

