Alisha's P. O. V. Abala ako sa pagluluto ng tanghalian ko nang makarinig ako ng katok mula sa pinto ng inuupahan kung apartment. Sumilip ako sa bintana at nakita ko ang nakangiting pagmumukha ni George. Ngiting- ngiti na animo'y ang saya masyado. Napangiwi ako dahil nandito na naman siya. Hindi ko alam kung anong nakain niya para ako ang guluhin niya. Ayoko naman ng ganito. Ni hindi nga ako humiling na magkaroon ako ng lalaking magpapasakit sa ulo ko dahil wala naman akong balak na makipaglandian pa. Gusto ko munang magpahinga sa ganoon. "Oh bakit nandito ka na naman, ha? Halos araw- araw ka ng nandito. Hindi ka ba nagsasawang pumunta dito? Ang dami mong dalang pagkain palagi, ah. Baka mamaya isumbat mo sa akin 'yang mga 'yan. Hindi ko hiningi sa iyo iyan tandaan mo," pagtataray ko sa k

