Camilla's P. O. V. Pinagmasdan ko si ninong Gray na abala sa paghahalo ng dry ingredients para sa cake na gagawin ko ngayon. Bumuntong hininga ako at napaisip. Hindi pa malinaw kung ano kami ngayon. Pero nagagawa na niya akong halikan. At kainin. Oo umamin siya sa akin ng nararamdaman niya. Na gusto niya ako. Pero hindi ko pa rin maiwasang mangamba na baka naman sa una lang siya magaling. Na baka sa una niya lang ako gusto. Pero habang tumatagal ay hindi na. Bigla akong nakaramdam ng kirot sa dibdib dahil sa isipin kong iyon. Dahil sa totoo lang, hindi ko na maitatangging may pagtingin na ako sa ninong ko. Ang ninong kong wagas kung humalik. Nakalulunod. Nakababaliw. "Camilla? Bakit kanina ka pa nakatingin sa akin? May gusto ka bang sabihin?" aniya nang huminto siya sa kaniyang gina

