Alisha's P. O. V. Mabuti na lang at nagkaroon kami ng kaunting sandali ni Camilla para makapag- usap at makapag- bonding. Masaya ako para sa kaniya ngayon dahil talagang ipinaglaban na niya ang pagmamahalan nilang dalawa ni Gray. Hindi nga lang magiging madali para sa kanila ang lahat dahil sa mga toxic fans ni Gray. At sinisisi nila si Camilla sa pag- alis ni Gray sa showbiz. Na kung hindi sana dahil kay Camilla, marami para sanang project si Gray at hindi sana masisira ang career nito. "Wow! Ang ganda mo naman!" Naningkit ang mga mata ko nang makita ko si George. Ang sira ulong lalaki na ito, ako na naman ang pinupuntirya. Akala naman niya, magpapaapekto ako sa mga sinasabi niya. "Oh tapos? Alam ko na maganda ako. Hindi mo na kailangang sabihin pa. At isa pa, ano bang ginagawa mo dit

