"Cyrus? Bakit ganiyan ang itsura mo? Kamusta naman kayong dalawa ni Sunshine? Sa susunod na linggo, bibisitahin namin kayo. Gusto naming makita ang baby niyo," sabi ni Gray sa pinsan niyang si Cyrus. Tumango naman ito. "Ayos lang naman kami. May problema nga lang kami dahil galit na galit ang magulang ni Sunshine sa kanyang ginawa..." Kumunot naman ang noo ni Gray. "Ha? Galit na galit? Bakit?" Bumuntong hininga si Cyrus. "Hindi pala nila alam ng mga magulang niya na hindi natuloy ang kasal ni Sunshine sa fiancé niya. Akala ng mga ito nagbakasyon lang dito si Sunshine tapos babalik na para magpakasal sa lalaking iyon. Pero nag- usap naman silang dalawa ng fiance niya dahil naintindihan naman siya ng lalaki. Iyong mga magulang niya lang ang hindi makaintindi." "Eh paano iyan? May anak na

