Dix-huit Winona: STAY AT HOME! Sorry about this. Blanca: WAG KANG PUMASOK PLEASE! Rafaela! Please! :( Paulit-paulit kong basa sa text messages ng dalawa kong kaibigan. Dalawa lang ang gusto kong mangyari ngayon. Ang lumubog na parang cruiseship sa pinakailalim ng dagat o lamunin na lamang ng lupa sa kailaliman. Kinakain na ako ng hiya habang hinahatid ako ni kuya Rafael sa school ngayon. Halos humagulgol si kuya Rafael sa kakatawa sa hitsura ko. Kanina ko pa sinasabi na hindi ako papasok matapos lunukin lahat ng hiya sa internet. "Para kang matatae, Rafaela. Stop acting like that." humagikgik ito habang nagmamaneho. "Che! Hindi naman ikaw ang napahiya kaya hindi mo alam ang nararamdaman ko." sagot ko. Para ng sasabog ang dibdib ko. Gusto ko ng umuwi ngayon din. Namamawis na ang kama

