Huit Hindi na ulit pumunta si Samantha dito. Nang tinanong ko si kuya sabi niya busy daw ito at hindi naman siya araw-araw nagvovolunteer. That time, hindi natapos ang make-up class dahil nagkaroon ng meeting ang mga teachers kaya ang naiiwang volunteers sa school ang nag-accommodate sa mga estudyante. I didn't know why I needed his explanation. Siguro ay curious lang ako? And kuya didn't mind? I'm not sure. "I saw her first and I asked for her." Ani kuya. "She's beautiful." It's a fact. Hinintay ko ang reaksyon ni kuya. Nanlaki ang mata ko nang ngumiti siya, "she is..." May Alexis ka na. Huwag mo ng idagdag si Samantha! Gusto ko siyang sigawan pero hindi talaga tama ang nakikialam ako sa personal niyang buhay. Ang important ngayon mukhang hanggang doon nalang sila. Kuya Rafael is so

