Halos manigas na kami sa kinatatayuan namin habang nakatulala sa grupo ng Unholy na paparating. Pero nagulat kami nang may marinig kaming pagsabog doon sa mga Unholy na para bang may umaatake sa kanila at nag-usok din ang paligid doon. May nakikita rin kaming mga flash ng liwanag na kulay pula at purple. "Sa tingin ko sina Gunner at Jerome 'yon," sambit bigla ni Klein. "Kung hindi natin makita ang exit sa labyrinth na 'to, wasakin na lang natin," sambit naman ni Xavier. Kahit hindi na maigalaw ni Xavier ang isa niyang braso dahil sa sugat nito, itinaas na lang niya ang isa niyang braso na may hawak ng Nerthus Warhammer. "Crash of Earth Bound!" sigaw niya sambay hampas ng kanyang artillery sa lupa na nagdulot ng kaunting pagyanig. Nadurog bigla ang lupa mula sa pinukpok ng artillery,

