Winasiwas ko ang espada nang may buong puwersa at nahati ang wooden dummy na nasa harap ko. Sunod ko namang tinamaan ang nasa gilid ko pagkatapos ay ang iba pang mga wooden dummy na nakapalibot sa'kin. Pawis na pawis na ako at hinahapo pa nang kaunti dahil ilang oras na rin itong pinapagawa sa'kin ni Jerome. At eto lang din ang pinapagawa niya sa'kin sa loob ng dalawang linggong pagsasanay. "Humuhusay ka na at mukhang tumitibay na rin ang stamina mo," sambit ni Jerome habang nakatayo siya ro'n sa isang tabi habang pinapanood ang ginagawa ko. Pagkatapos ay naglakad siya papalapit sa'kin nang ibaba ko ang espadang hawak ko. "Mabilis ang improvement mo para sa isang tao," sambit niya muli. Nabigla ako nang kaunti sa sinabi niya at napatingin ako sa mga palad ko. "Sa tingin mo...hindi ta

