Nakatitig lang ako sa misteryosong lalaki na bigla na lang nagpakita sa’kin. Nakasuot siya ng uniform pero hindi iyan ang school uniform namin. At nang tanungin ko siya kung sino ba siya ay may nakita akong bahid ng lungkot sa mga mata niya. At nang napagtanto ko ‘yon ay parang may kaunting kirot akong naramdaman sa dibdib ko na hindi ko maintindihan. “Ito pala ang nagagawa ng realistic illusion na ‘to. Ang ipalimot sa biktima ang realidad niya.” Bulong niya sa sarili niya pero nakakunot lang ang noo ko habang tahimik na nakatitig sa kanya. Pagkatapos ay napansin ko ang isa niyang tenga. “’Yong hikaw na suot mo. Kaparehas ng sa’kin,” sambit ko. “Dahil sa’kin ‘yan galing.” Napataas ang mga kilay ko, “H-Ha? Pero paano? Magkakilala ba talaga tayo?” “Hey.” Napatingin kami sa biglang na

