Kumakain kaming lahat dito sa dining area at kagagaling lang namin sa campus patrol. Nitong mga nakaraang linggo mula nang matapos ang annual battle exams, wala namang naitala na pag-atake ng Unholy Spirits o Unholy Invasion. Mga common na campus problems lang nakakaharap namin gaya ng mga bully, mga nagka-cutting classes, o mga may balak mag-cheat sa exams o activities. At mas okay 'yon syempre. Mas delikado kapag Unholy mismo ang nakakaharap namin. Isa pa, nararamdaman ko ulit na nasa isang normal na school ako kahit pa hindi mga normal na nilalang ang mga nandito. Mayamaya lang ay may narinig ako na parang may pagaspas ng pakpak. Nang lumingon kami sa gawing entrance ay may nakita kaming kuwago na lumilipad papunta rito. Pero nagtataka ako dahil hindi normal ang hitsura niya. Meron

