NANG umagang iyon, nagising si Amanda nang wala si Justin. Nag-almusal siya nang wala into at nagpunta siya sa Mandy’s nang wala ito. Tinanong niya kay Manang Gloria, ang nakakatuwa nilang tagapaglaba ang tungkol kay Justin at ang sabi nito ay maaga raw umalis ang binata at hindi na raw kumain ng almusal. Kung ano ang problema nito, wala siyang ideya. Sampung beses na niya itong tinawagan nang araw na iyon pero hindi ito sumasagot. Inisip na lang niya na masyado itong busy, dahil ayaw naman niyang isipin na iniiwasan siya nitong kausapin. “Pero hindi niya sinasagot ang mga tawag ko.” Sa sobrang pag-aalala ni Amanda ay kinailangan niyang puntahan at kausapin si Phoebe. Sinundo niya ang kaibigan sa opisina nito at kumain sila sa malapit na restaurant. “Hindi siya nagpaalam sa akin, hindi ma

